IFM LOKAL NEWS |๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฆ๐๐๐๐ข, ๐ก๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐จ๐๐ฌ๐๐ก ๐๐๐ง๐ฌ ; ๐ฎ,๐ฆ๐จ๐๐๐ง๐๐ก
ะะฒัะพั: RMNCauayanTechDepartmen radyoman
ะะฐะณััะถะตะฝะพ: 2025-07-20
ะัะพัะผะพััะพะฒ: 2100
ะะฟะธัะฐะฝะธะต:
Cauayan city - Sugatan ang dalawang katao matapos masangkot sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. San fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Ifm News Team sa Pnp Cauayan, tinatahak ng Honda ADV ang Airport Road patungong silangan habang papasok ito sa National Road habang ang Smash Suzuki ay binabaybay ang National Road patungong Alicia, Isabela.
Saglit na huminto ang Honda ADV upang bigyang-daan ang isang paparating na Trak. Pagkatapos magbigay-daan, pumasok ito sa loob ng Southbound Lane ng kalsada at ang Smash Suzuki naman ay nasa proseso ng pag oovertake sa Truck.
Dahil sa haba ng Trak, hindi nito napansin ang presensya ng Honda ADV na kakapasok lamang sa lane, dahilan upang magbanggaan ang dalawang motorsiklo.
Sa lakas ng banggaan, parehong sasakyan ay nagtamo ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala.
Samantala, ang drayber ng Honda ADV at ang kanyang angkas ay nagtamo ng matitinding sugat at agad na isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Rescue 922 sa Dr. Ester Garcia Medical Hospital para sa agarang gamutan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.
โ-------------------------
Para sa iba pang mga balita, bisitahin din ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
ะะพะฒัะพััะตะผ ะฟะพะฟััะบั...
ะะพัััะฟะฝัะต ัะพัะผะฐัั ะดะปั ัะบะฐัะธะฒะฐะฝะธั:
ะกะบะฐัะฐัั ะฒะธะดะตะพ
-
ะะฝัะพัะผะฐัะธั ะฟะพ ะทะฐะณััะทะบะต: