IFM FOREIGN NEWS |𝗣𝗥𝗜𝗡𝗦𝗜𝗣𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗡𝗔
Автор: RMNCauayanTechDepartmen radyoman
Загружено: 2025-07-20
Просмотров: 5960
Описание:
CAUAYAN CITY - Pumanaw na si Prince Al Waleed Bin Khaled Bin Talal ng Saudi Arabia, mas kilala bilang “Sleeping Prince,” matapos ang halos dalawang dekadang pagkaka-coma dulot ng isang matinding aksidente sa sasakyan noong 2005.
Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita nitong sabado, at isasagawa ang kanyang libing sa riyadh ngayong linggo.
Sa loob ng dalawampung taon, nanatili siyang comatose, na naging dahilan upang kilalanin siya bilang simbolo ng pag-asa at katatagan hindi lamang sa Saudi Arabia kundi sa buong Arab World.
Ilang beses ding nag-viral sa social media ang mga larawan at video niya, kung saan makikita ang kaunting paggalaw na nagbigay pag-asa sa marami, kabilang ang kanyang pamilya na hindi nawalan ng pananalig.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang iba’t ibang personalidad at mamamayan sa pamilya ng prinsipe.
-------------------------
Para sa iba pang mga balita, bisitahin din ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: