IFM LOKAL NEWS |๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ ๐ง๐ฅ๐จ๐๐, ๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ง๐จ๐ก๐ -๐ฃ๐๐ง๐ข๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ข
ะะฒัะพั: RMNCauayanTechDepartmen radyoman
ะะฐะณััะถะตะฝะพ: 2025-07-20
ะัะพัะผะพััะพะฒ: 12612
ะะฟะธัะฐะฝะธะต:
Cauayan City - Nagpaabot ng pakikiramay ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) gayundin ang lokal na pamahalaan ng Aurora sa pamilya ng mga nasawi sa naganap na Vehicular Accident noong, ika-19 ng Hulyo sa Aurora, Isabela.
Ayon sa naging panayam ng Ifm News Team kay Police Captain Terrence Tomas, Public Information Officer ng Isabela Police Provincial Office, inihain na umano ang kaso laban sa Driver ng Elf Truck sa pamamagitan ng Inquest Proceedings at hinihintay na lamang ang resolution mula sa tanggapan ng piskal sa Roxas, Isabela.
Nakahanda na rin umano ang mga dokumento at ebidensya kabilang na ang kumakalat na CCTV Footage sa social media at ipapasakmay na lang nila sa piskal ang desisyon.
Dagdag pa nito na patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan subalit sa ngayon, tinignan na isang Human Error ang sanhi ng naturang insidente.
Binigyang-diin din ni Police Captain Tomas na negatibo sa impluwensya ng nakalalasing na inumin at droga ang suspek maging ang nakaligtas na Driver ng Toyota Hiace matapos sumailalim sa medical examination tulad ng alcohol at Drug Testing.
Samantala, naiuwi na rin ang labi ng mga nasawi sa kani-kanilang mga pamilya, habang ang mga nasaktan naman sa insidente ay nalapatan na ng lunas at nasa stable nang kalagayan.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Aurora Police Station ang driver ng Elf at sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting To Multiple Homicide, Serious Physical Injury, And Damage To Property.
Ipinaalala rin ni Police Captain Tomas sa mga Drivers ang displina sa pagmamaneho lalo na tuwing gabi o madaling araw upang maiwasan ang mga ganitong insidente.
-------------------------
Para sa iba pang mga balita, bisitahin din ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
ะะพะฒัะพััะตะผ ะฟะพะฟััะบั...
ะะพัััะฟะฝัะต ัะพัะผะฐัั ะดะปั ัะบะฐัะธะฒะฐะฝะธั:
ะกะบะฐัะฐัั ะฒะธะดะตะพ
-
ะะฝัะพัะผะฐัะธั ะฟะพ ะทะฐะณััะทะบะต: