AMPATUAN MAGUINDANAO MASS@CR3 FULL STORY TAGALOG
Автор: Utol Ford
Загружено: 2025-05-27
Просмотров: 1006792
Описание:
Noong Nobyembre 23, 2009, naganap ang pinakamalagim na kaso ng karahasang pampulitika sa kasaysayan ng Pilipinas – ang Maguindanao Mass@cr3 (kilala rin bilang Ampatuan Massacre) kung saan walang awang minasaker ang 58 inosenteng katao, kabilang ang 32 mamamahayag, ng grupong tauhan ng makapangyarihang angkang Ampatuan. Ito ay binansagang “the single deadliest attack on journalists in history” at isa sa pinakabrutal na election related violence sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang masaker na ito ay nag-ugat sa tunggaliang pampolitika sa pagitan ng makapangyarihang Ampatuan clan at ng pamilya Mangudadatu sa Maguindanao. Mahigit dalawang dekada nang kontrolado ng pamilyang Ampatuan ang pulitika at seguridad sa lalawigan sa pamamagitan ng isang private army na tinatayang nasa 2,000–5,000 katao na binubuo ng mga government-supported militiamen, lokal na pulis, at sundalo. Binansagan pa ngang “Trial of the Decade” ang massacre dahil tumagal nang isang dekada ang paglilitis sa kaso sa lawak at dami ng kinakailangang proseso kung saan inabutan pa ito ng tatlong administrasyon at walong Justice Secretary. Binansagan pa nga ito ng iba bilang “Trial of the Century” dahil kung susumahin ang halos dalawang daang nasasakdal at tatlong daang saksi maaaring umabot nang “200 taon” ang kaso kung isasabay-sabay ang lahat ng testigo at akusado. Ano nga ba ang tunay na nangyari at buong kwento sa tinaguriang Maguindanao Mass@cr3 noong 2009, at ano ang naging epekto nito sa paglipas ng mga taon?
Ang Pilipinas ay matagal nang may maruming kasaysayan ng tunggalian sa pulitika, lalo na tuwing halalan. Karaniwan na ang election-related violence kung saan may mga kandidatong napapaslang. Walang pinipili ang ganitong uri ng karahasan – mapa-lalaki o babae, mahirap o mayaman, lokal man o pambansang posisyon, maaaring mamatay kapag naging banta sa kalaban. Ang ganitong tunggalian na nauuwi sa ambush at patayan ay kadalasang nag-uugat sa paghahari ng mga political clan sa iba’t ibang rehiyon. Isa sa mga pinakanotoriyos na political clan ay matatagpuan sa Maguindanao, bahagi ng Central Mindanao – ito ang angkan ng mga Ampatuan. Si Andal Ampatuan Sr. ang patriyarka ng mga Ampatuan. Nagsimula pa ang kanyang impluwensya noong administrasyon ni Pangulong Cory Aquino: naging alkalde siya ng Shariff Aguak noong 1986, at kalaunan ay naging tatlong beses na gobernador ng Maguindanao mula 2001 hanggang 2009 na karaniwang walang kalaban. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, kontrolado ng mga Ampatuan ang pulitika sa Maguindanao At pawang mga kamag-anak niya ang nakaupo noon sa 18 sa 27 bayan ng Maguindanao, kabilang na ang anak niyang si Andal “Datu Unsay” Ampatuan Jr. bilang alkalde ng Datu Unsay. Ang malawak na kapangyarihan ng Ampatuan clan ay nakatanggap ng basbas mula sa pambansang pamahalaan; personal na kaalyado sila ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na umasa sa kanilang bloc vote at tulong laban sa mga rebeldeng Moro sa rehiyon. Kilala ang pamilya sa paggamit ng dahas upang mapanatili ang kapangyarihan; naging kinatatakutan sila sa lugar dahil sa umano’y karahasang bumabalot sa kanilang pamumuno. Hindi na tatakbo si Andal Sr., kaya inaasahang si Andal Jr. ang magiging kapalit niya. Subalit sumulpot ang isang matinding katunggali – ang isa pang kilalang angkan sa Maguindanao, ang mga Mangudadatu. Ang vice mayor ng Buluan na si Esmael “Toto” Mangudadatu ang inihandang kandidato ng pamilya Mangudadatu upang kalabanin si Andal Jr. sa pagka-gobernador. Ang posibilidad na maagaw ng Mangudadatu ang kapangyarihan sa lalawigan ay itinuring ng mga Ampatuan na isang diretsong banta sa kanilang paghahari.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: