PAANO TINAPOS NI DUTERTE ANG KURATONG BALELENG ANG MAFIA NG PILIPINAS?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2024-08-22
Просмотров: 2066042
Описание:
Kuratong Baleleng, isang organisadong sindikato na matagal nang nagpapakilabot sa Pilipinas nang mahigit tatlumpung taon kung saan ang pamilyang nasa likod nito ay ang Parojinog. Ang pamilyang ito ay talagang kinatatakutan at hindi kinakalaban ng sinuman, pero sa pagkaupo ni Rodrigo Roa Duterte bilang ikalabing anim na Presidente, nalagay sa madugo at trahedikong wakas ang sinapit ng pamilya Parojinog.
Sa pagpapatuloy ng mga gawaing ilegal na sinimulan ni Octavio, ang kanyang mga anak na sina Renato, Reynaldo, at Ricardo ang nagpatuloy sa mga operasyon ng kanilang grupo. Noong 1993, naaresto si Renato dahil sa mga ilegal na gawain, habang sina Reynaldo at Ricardo ay sumuko sa pamahalaan noong 1994. Gayunpaman, ang mga kasong isinampa laban sa kanila ay kalaunang ibinasura dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Noong 1997, pumasok si Reynaldo na kilala rin bilang alyas Aldong sa larangan ng politika nang siya ay tumakbo at nagwaging barangay captain. Pagkatapos, noong 2001, mula sa pagiging barangay kapitan ay umangat si Aldong sa pagiging alkalde ng Ozamis, habang ang kanyang kapatid na si Renato ay naging miyembro ng provincial board. Subalit, noong 2002, si Renato ay pin4slang sa isang pananambang sa Ermita, Manila, isang insidente na pinaniniwalaang bunga ng kanyang mga nakaraang gawain at posibleng mga kaaway sa kanyang ilegal na operasyon. Sa kabila ng trahedyang ito, naging matagumpay ang karera sa politika ni Reynaldo o Aldong. Hindi lamang siya nakapaglingkod bilang alkalde, kundi nagpatuloy din ang impluwensya ng kanyang pamilya sa politika nang ang kanyang anak na si Nova Princess ay naging vice mayor ng kanilang lugar. Dito nila nagawang makahanap ng bagong larangan ng kapangyarihan sa pamamagitan ng politika.
Noong 2016, kasabay ng pagkapanalo ni Rodrigo Roa Duterte bilang presidente ng Pilipinas, isang malawakang kampanya laban sa illegal na droga ang sinimulan, kung saan tinarget ang mga itinuturing na latak ng lipunan na sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Sa mga pinangalanan ng pangulo bilang mga protektor ng ilegal na droga ay kabilang ang pamilya Parojinog. Noong July 30 2017, sa isang raid na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido, napatay ang alkalde ng Ozamiz City na si Reynaldo Aldong Parojinog Sr. matapos umanong manlaban sa mga awtoridad. Ang kapatid ng napatay na alkalde na si Ardot Parojinog, ay kaagad na tumakas o umalis ng bansa kasunod ng insidente, dahilan upang siya ay maging target ng batas at hanapin para panagutin sa mga alegasyon laban sa kanya bilang isang protektor ng illegal na droga. Sa isang talumpati, binanggit ng Pangulo na handa siyang magbigay ng limang milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta ng pagkakaaresto kay Ardot.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: