GAANO KABAGSIK ANG MAUTE GROUP?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2025-12-20
Просмотров: 61155
Описание:
Nabalot ng takot at kaguluhan ang tahimik na lungsod ng Marawi sa Lanao del Sur noong Mayo 23, 2017. Sa panahong ito, nagimbal ang buong Pilipinas sa biglaang pag-atake ng mga militanteng ISIS sa puso ng Marawi. Ang dating payapang lungsod ay naging sentro ng digmaan sa loob ng limang buwan at ang “Islamic City” ng Pilipinas ay naging entabladong pang-digmaan. Sino ang mag-aakalang sa mismong sentro ng pamayanang Maranao, itataas ang itim na bandila, sasakupin ang munisipyo, ospital at paaralan, at gagawing kuta ang mga bahay ng ordinaryong tao? Sa isang banda, naroon ang magkakapatid na Maute at ang tinaguriang “emir” ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon; at sa kabila, ang mga special forces, Scout Rangers, Marines, at pulis na ipinadala sa pinakamahirap na klase ng labanang urban warfare. Pero bakit nga ba inatake nina Hapilon at Maute brothers ang Marawi?
Noong Hunyo 12, 1980, isinilang si Omarkhayam Romato Maute, na mas kilala bilang Omar Maute, sa bayan ng Butig, Lanao del Sur. Lumaki siyang bahagi ng isang kilalang angkan ng mandirigmang Maranao sa naturang bayan. Ang kanyang ama na si Engr. Mohammad Cayamora Maute ay isang opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), samantalang ang ina niyang si Farhana (Ominta Romato) ay mula rin sa pamilyang may impluwensya. Bata pa lamang si Omar ay nahubog na ang kanyang kamalayang pulitikal at panrelihiyon sa kapaligirang puno ng tensiyon – sa panahong patuloy ang rebelyon ng MILF at mga bangayan sa Mindanao. Maagang natuto si Omar tungkol sa pakikibaka. Subalit hindi lamang sa giyera umikot ang kanyang buhay; nagsikap din siyang mag-aral. Ayon sa kaniyang mga kaibigan o nakakakilala sa kaniya, kagaya lang siya ng mga normal na Maranao high school student. Pumapasok siya sa eskwelahan mula Linggo hanggang Huwebes at pumapasok din sa madrasah o paaralang Islam tuwing Biyernes hanggang Sabado. Sa larangang sports, mahilig siya sa soccer, basketball at magaling siya sa baseball. Katunayan, Baseball varsity siya sa kanila at captain ball. Kagaya rin ng karaniwang bata, palakaibigan siya at lagi niya kasama ang mga kaklase niya para bumili ng hilig nilang durian shake. Hindi siya yung tipong suplado o mailap, kasama siya sa biruan, tawanan, at kuwentuhan na parang normal na barkadahan lang. Alam niyo kaiba kay Isnilon Hapilon itong si Omar. Pagdating sa akademiko, magaling siya rito lalo na sa math. Siya yung tipong pag katabi mo siya sa Geometry or Trigonometry at nakita niyang nahihirapan ka makasagot, isheshare niya yung mga sagot niya o kaya naman tuturuan ka nito. Dati rin siyang CAT officer sa kanila. Kung sa usapang kabaitan lang din daw eh wala kang masasabi kay Omar na masama, marespeto siya sa mga guro, palakaibigan, maalaga, konsebatibo at relihiyoso. Pagtuntong ng hustong gulang, naghanap ng oportunidad sina Omar at ang nakatatanda niyang kapatid na si Abdullah Maute sa ibang bansa. Naging Overseas Filipino Workers (OFW) sila at nagtrabaho bilang mga guro sa Gitnang Silangan, partikular sa Syria at United Arab Emirates. Habang nasa ibang bayan, sinikap ng magkapatid na palalimin ang kanilang kaalaman sa Islam. Nag-aral sila ng Islamic theology sa pagitan ng kanilang trabaho sa mga sekular na paaralan sa Syria at UAE. Si Omar pa nga ay napaulat na nag-aral sa Ehipto noong early 2000s, samantalang si Abdullah naman ay sa Jordan at doon sila naging fluent magsalita ng Arabic. Dito unti-unting nahubog ang kanilang ideolohiyang panrelihiyon – isang paniniwalang mas radikal at konserbatibo kaysa sa nakagisnan nila sa Mindanao. Isinilang si Abdullah Maute sa Butig, Lanao del Sur, isang bayan sa rehiyon ng Mindanao na pinanahanan ng mga Muslim Maranao. Nagmula siya sa isang pamilyang may dugong mandirigma, pamilyang maykaya at may impluwensiyang politikal; ang kanilang pamilya ay itinuturing ng ilan na parang “royal family” sa lugar. Ang ina ni Abdullah o ng mga Maute brothers na si Farhana Maute ay inilarawang tahimik ngunit dominante isang negosyanteng nagmamay-ari ng lupain, konstruksiyon, muwebles, at segunda-manong kotse, at malapit sa mga lokal na politico. Si Farhana ang nagsilbing “patriarka” ng pamilya Maute at dahil sa kanyang yaman, nagkaroon sila ng pribadong armadong grupo para sa proteksyon ng kanilang angkan, kabilang dito ang pitong anak na lalaki ni Farhana o ang mga magkakapatid nga na Maute, tinagurian pa nga siyang kingmaker ng pamilya. Ang kanilang ama naman na si Cayamora Maute ay isang engineer at opisyon noon sa armadong kilusang Moro na tinatawag na Moro Islamic Liberation Front o MILF. Dahil dito, bata pa lang ay nakalakhan na ni Abdullah ang kulturang may armas at pakikibaka. Bagaman payapa ang naging kabataan niya, may mga pangyayari sa buhay ni Abdullah Maute na unti-unting humubog sa kanyang radikalisasyon.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: