BAKIT GALIT SI DUTERTE SA MGA PAROJINOG AT KURATONG BALELENG?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2024-10-13
Просмотров: 266792
Описание:
Kuratong Baleleng, itinuturing bilang isa sa pinakamalaki at pinakamakapangyarihang organisasyong kriminal sa bansa, at mahigit 30 taon na itong nag-oopereyt. Ang pangalan na Kuratong Baleleng ay hango mula sa isang instrumentong yari sa kawayan, na katulad ng isang kampana, na ginagamit upang magbigay-abiso sa mga nayon laban sa mga paparating na pag-atake. Ayon sa mga ulat, ang mga nagtatag ng gang ay nagmula sa Botanical Youth Club, isang vigilante group na sinusuportahan ng gobyerno na itinatag ng militar noong 1986 upang labanan ang mga komunistang rebelde. Nangangamba ang mga tao noong panahon pagkatapos ng EDSA Revolution tungkol sa posibilidad na sakupin ng mga insurgents at komunista ang Mindanao, at naramdaman ng pamahalaan ang pangangailangang kumilos laban dito. Ang Philippine Army 101st Battalion na nakabase sa Misamis Occidental, sa ilalim ng pamumuno ni Army Major Franco Calanog, ang nagsusupervise sa Botanical Youth Club. Ang bawat grupo ay nangangailangan ng isang lider na maaaring magpatupad ng kanilang misyon: Ang Kuratong Baleleng ay pinamunuan ni Octavio “Ongkoy” Parojinog, Sr., na nagmula sa isang impluwensyal na pamilya sa Mindanao.
Fast Forward, Noong 2016, kasabay ng pagkapanalo ni Rodrigo Roa Duterte bilang presidente ng Pilipinas, isang malawakang kampanya laban sa illegal na droga ang sinimulan, kung saan tinarget ang mga itinuturing na latak ng lipunan na sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Sa mga pinangalanan ng pangulo bilang mga protektor ng ilegal na droga ay kabilang ang pamilya Parojinog. Noong July 30 2017, sa isang raid na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido, napatay ang alkalde ng Ozamiz City na si Reynaldo Aldong Parojinog Sr. matapos umanong manlaban sa mga awtoridad. Ang kapatid ng napatay na alkalde na si Ardot Parojinog, ay kaagad na tumakas o umalis ng bansa kasunod ng insidente, dahilan upang siya ay maging target ng batas at hanapin para panagutin sa mga alegasyon laban sa kanya bilang isang protektor ng illegal na droga. Sa isang talumpati, binanggit ng Pangulo na handa siyang magbigay ng limang milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta ng pagkakaaresto kay Ardot. Dahil sa kanyang desisyon na hindi sumuko, ginamit ni Ardot ang kanyang mga koneksyon at pera para makalabas ng bansa.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: