NASAAN NA SI ARTURO LASCAÑAS?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2024-08-04
Просмотров: 264892
Описание:
Rodrigo Roa Duterte, ang dating president ng Pilipinas. Bago siya maging pangulo, siya ay nagsilbi bilang mayor ng Davao City sa kabuuang 22 taon at apat na buwan. Una siyang nahalal bilang mayor noong 1988 at nagsilbi hanggang 1998. Pagkatapos ng isang termino bilang kongresista, bumalik siya bilang mayor mula 2001 hanggang 2010. Muling siyang nahalal bilang mayor noong 2013 at nanatili hanggang 2016 bago siya naging Pangulo ng Pilipinas. Sa kanyang pamumuno, nakilala si Duterte dahil sa kanyang matapang na estilo ng pamamahala, na nagbigay sa kanya ng bansag na "kamay na bakal." Isa sa mga pinakamalaking kontrobersiya na bumulabog sa kanyang karera ay ang alegasyon ng pagkakaroon ng Davao Death Squad (DDS), isang grupo ng mga vigilante na sinasabing responsable sa mga extrajudicial killings ng mga pinaghihinalaang kriminal sa Davao at mga umanong kalaban sa pulitika o kritiko. Ayon sa mga ulat, libu-libong buhay ang nawala dahil sa mga operasyong ito, na nagdulot ng matinding pagkabahala at pagkondena mula sa iba't ibang sektor ng lipunan, lalo na mula sa mga grupo ng karapatang pantao. Dalawa sa mga pangunahing testigo laban kay Duterte ay sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas. Si Matobato, isang self-confessed hitman, ay nagpatotoo sa Senado na siya at ang iba pang mga miyembro ng DDS ay sumusunod sa mga utos ni Duterte para pumatay ng mga kriminal at maging ng mga kalaban sa pulitika. Samantala, si Lascañas, isang retiradong pulis, ay nagsiwalat din ng kanyang partisipasyon sa DDS at kinumpirma ang mga testimonya ni Matobato, dagdag pa ang mga detalye tungkol sa umano'y personal na utos ni Duterte sa mga pagpatay at sa diumano’y pagiging malapit nito sa mga bigating Chinese druglords. Dito isiniwalat ni Lascanas ang kaniya umanong mabigat na katotohanan na dala-dala laban sa mga Duterte dala ng kaniyang matinding paguusig ng konsensya at ang kaniyang tinatawag na spiritual renewal. Talagang mabibigat ang isinawalat ni Lascanas sa Senado at media patungkol sa umanong lihim ni Duterte, handa niyang ilagay ang kaniyang buhay at ang kaniyang pamilya alang-alang lamang sa kaniyang pangako sa Diyos tungkol sa pagsisiwalat na ito.
Ang retiradong Senior Police Officer 3 na si Arturo o Arthur Lascanas ay hindi isang ordinaryong pulis. Siya ay isinilang at lumaki sa Davao City. Bilang isang pulis, nagtrabaho siya sa Davao City Police Office sa loob ng halos 35 taon. Bilang isang batang pulis, si Lascañas ay nagsimula bilang isang masigasig at masunuring miyembro ng pulisya, nakatuon sa pagpapatupad ng batas at kaayusan sa kanilang lungsod. Sa kanyang paglilingkod, naging malapit siya kay Duterte, na noon ay mayor ng Davao City. Dahil sa kanyang katapatan at kasipagan, siya ay naging isa sa mga pangunahing tauhan ng DDS, isang grupo na diumanong nagpatupad ng mga extrajudicial killings ng mga pinaghihinalaang kriminal at mga kalaban sa pulitika o kritiko sa ilalim ng utos diumano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: