ALYAS DILLINGER ANG KILABOT NG BILIBID
Автор: Utol Ford
Загружено: 2025-10-16
Просмотров: 118941
Описание:
Si Lolo ang isa sa mga kilabot ng Bilibid kung saan sa kabila ng pagbibiro ng tadhana sa kaniya pinatunayan niyang sa likod ng pagiging gangster at hatol na tatlong life imprisonment ay pwedeng magbago ang kaniyang buhay sa loob ng rehas at pwedeng matupad ang kaniyang pinapangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa abogasya bitbit ang pananampalatayang isinuko niya. Sino si Pacifico Guevarra alyas Dillinger ng Doce Pares.
Sa labas ng bilibid, si Pacifico Guevarra ay isang matalinong binatilyo mula sa Tarlac na kilala sa palayaw na “Pykes.” Sa murang edad na 14, ipinamamalas niya ang sipag at talino: naging nangungunang mag-aaral siya mula Grade 1 hanggang Grade 5, at nakatakdang mag-valedictorian sa Grade 6. Subalit nagbiro ang tadhana nang isang umaga, may nakasulat na malaswang mensahe sa pisara na ikinagalit ng kanilang guro. Bilang siya ang naka-assign na tagalinis noong nakaraang araw, si Pacifico ang napagbintangang may kagagawan nito. Galit na galit na pinarusahan siya ng titser – pinalo siya nang paulit-ulit ng patpat na kawayan. Dahil sa tindi ng sakit at kahihiyan, napuno si Pacifico at naglabas ng nail-cutter bilang panakot sa guro. Ito ang naging mitsa ng sunud-sunod na kamalasang dumapo sa kanyang buhay.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: