DALAGA, MABILIS NA PINAKASALAN NG BILYONARYONG NAMATAAN NIYA LANG SA MAGAZINE | JHAM TALES
Автор: JHAM TALES
Загружено: 2026-01-30
Просмотров: 1310
Описание:
Story written by: Iyana
Story voice: Jey-ey
Arrangements: Admin Luna Margaret
Story preview:
Panibagong araw na naman, at para sa dalagang si Lyndi, isang buong maghapon na pangungulit na naman ng kaniyang Lola Grasya.
“Lyndi, apo, kailan mo ba ako bibigyan ng apo sa tuhod?” tanong ng matanda habang tulak-tulak niya ang wheelchair ng matanda.
“Lola, Hindi ba’t–” Hindi na natapos pa ni Lyndi ang sasabihin nang magsalita ulit ito.
“Gusto kong makita ko pa ang apo ko sa’yo bago mawala nang tuluyan ang memorya ko.”
Sumikip ang puso ni Lyndi. Sinabi kasi ng duktor na mas malaki ang chance na maging ulyanin na ang Lola Grasya niya dahil sa dami ng gamot na iniinom nito.
“Tara, upo muna tayo, La,” sandali silang huminto sa paglibot. Sa ibabaw ng ospital na yon, may mga upuan na bato na puwedeng pahingahan. “Huwag kang mag-alala, Lola, may boyfriend na po ako, hinihintay ko na lang siyang mag-propose sa akin. Once na maikasal na ako gagawa kami ng maraming baby para sa’yo.”
“Talaga? May nobyo ka na?” parang Hindi makapaniwalang tanong nito.
“O-opo. Guwapo siya, matikas, mukhang model…” Pero yung lalake na nasa magazine na pala ang nakakuha sa atensyon niya.
Hawak ng matandang lalaki ang magazine, mukhang tulad ng lola niya, pasyente rin don ang lolo.
“Hindi ako naniniwala! Kung totoong may nobyo ka na ay ano ang pangalan niya?”
Napakagat siya sa ibabang labi niya saka napatingin ulit sa matandang lalaki na nagbabasa ng business magazine. “D-Dylan… Dylan Trinidad po, La.”
Napakunot ang noo ni Lola Grasya. “Dylan Trinidad?” Inulit nito ang pangalan na para bang sinusubukang hukayin mula sa alaala niya. “Parang… pamilyar.”
“Opo, Lola,” agad na dugtong ni Lyndi, sabay pilit na ngiti. “Matagal na po kaming magkasintahan. Nakilala ko po siya sa trabaho. Nakuwento ko na po sa inyo noon, siguro po nakalimutan niyo lang. Tumatanda na po kasi kayo.” Humagikgik pa sya.
***
Tags:
#tagalogstories
#tagaloglovestory
#lovestory
-------------------------------------------------
Disclaimer: This story is purely fictional. Any resemblance to actual persons, places, names, or events is purely coincidental and comes solely from the writer’s imagination.
All narrations in Jham Tales are voiced by real people. Our stories are original and exclusively written by our romance writers. The visuals in this video are AI-generated and are used only to support the storytelling.
If you have seen or heard our story on another channel, please feel free to contact us here: [email protected]
All rights reserved: Jham Tales | 2025
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: