LAKING GULAT NG LAHAT, BRIDE NA WALANG MAKE UP, GUPIT LALAKE AT NAKA-SCOOTER ANG DUMATING
Автор: JHAM TALES
Загружено: 2026-01-27
Просмотров: 2332
Описание:
Story writer: Spinel Jewel
Story voice: Jey-ey
Arrangements: Admin Luna Margaret
Story preview:
"Arthur, ikaw na muna ang bahala rito sa restaurant ha. Magha-half day ako.” Wika ni Kai, 26 years old na manager na mas sanay mag-overtime kaysa umalis ng maaga.
Napatingin ang assistant niya, para bang may maling narinig. Sanay ang lahat na siya ang huling umaalis at unang dumarating sa trabaho.
Pero hindi ngayon dahil kasal ng matalik niyang kaibigan.
Habang nasa daan siya sakay ng kanyang scooter, hindi maipaliwanag ni Kai ang kanyang nararamdaman. Dapat masaya siya. Dapat excited. Ngunit pakiramdam niya parang may mangyayaring hindi niya inaasahan.
Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating siya sa bahay nila sa Makati.
Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok, sinalubong na siya ni Yaya Marta at may hawak itong isang malaki at puting kahon.
“Para raw sa’yo,” sabi ng matanda.
Napatigil si Kai sa paglalakad.
Sandaling napatitig siya sa hawak ng yaya, saka napakunot ang noo. “Para sa’kin?” ulit niya, halatang naguguluhan. “Sigurado po ba kayo?”
Tumango si Yaya Marta. “Oo. May naghatid dito na rider. Hindi naman sinabi kung kanino galing.”
Saglit na tumingin siya sa kahon—malinis, maayos, at may nakapulupot pang puting ribbon.
Wala naman siyang natatandaang inorder niya sa online.
“Okay yaya,” maingat niyang wika. “Ako na po ang bahala.”
Dinala niya ang kahon sa kwarto at binuksan iyon. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanyang paningin ang isang elegante at mamahaling wedding gown. Sa tabi nito ay may kasamang isang pares ng sandals na kapareho ng kulay ng tela.
“What the hell is this?” tanong niya sa sarili. “Anong klaseng biro ‘to?”
Sakto namang tumunog ang telepono niya kaya kaagad niyang dinampot ‘yon nang mabasa ang pangalan ni Reid.
“Hello...”
“Hello babs, may problema eh.”
“A-anong problema?” gulat niyang tanong.
“Biglang nagback-out sa kasal si Laila. Hindi pa raw siya handa dahil sa ngayon mas priority pa niya ang modeling career niya sa France.”
Narinig niya ang paggaralgal ng boses ng lalaki. Alam niyang mahal na mahal ni Reid ang fiancee nito.
“Aba’y gaga naman ‘yong babae na ‘yon eh. Kung kailan mamayang alas kwatro na ang kasal ninyo, saka pa lang niya sasabihing ayaw niya?”
“Babs, tulungan mo ako. Ayaw ko namang madis-appoint si lolo,” malungkot na wika ng binata. “Sinabi ko na sa kanya na h’wag ng ituloy ang kasal dahil nagback-out si Laila, pero ayaw daw niyang mapahiya sa mga bisita. Kailangan ko raw’ng gawan ng paraan at kung hindi, ibibigay niya sa pinsan ko ang pamamahala ng kumpanya. Eh wala naman akong tiwala kay Rico, baka malugi lang ang negosyo na pinaghirapan ng lolo ko.”
“Kaya babs, please tulungan mo ako. Ikaw na muna ang pumalit na bride ko, please?”
Nabigla si Kai sa kanyang narinig, halos mabitawan ang hawak na telepono.
“Wait… ano? Ako, magiging substitute bride mo? Tomboy ako, ha! Baka nakalimutan mo ‘yon?”
***
Tags:
#tagalogstories
#tagaloglovestory
#lovestory
-------------------------------------------------
Disclaimer: This story is purely fictional. Any resemblance to actual persons, places, names, or events is purely coincidental and comes solely from the writer’s imagination.
All narrations in Jham Tales are voiced by real people. Our stories are original and exclusively written by our romance writers. The visuals in this video are AI-generated and are used only to support the storytelling.
If you have seen or heard our story on another channel, please feel free to contact us here: [email protected]
All rights reserved: Jham Tales | 2025
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: