SINO ANG MGA HARI NG BILIBID AT SIGA NG MGA SIGA?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2025-10-09
Просмотров: 401731
Описание:
Kung sa henerasyon natin ngayon tol ay may mga tinaguriang hari ng Bilibid na sina Jaybee Sebastian, Herbert Colango, at Peter Co dahil sa kanilang impluwensiya at kayamanan. Noon, ay may mga og o orihinal na tinaguriang mga hari ng Bilibid at ito ay ang kapanahunan ni Baby Ama. Sino ang mga ito at bakit minsang itinatak sa kanila ang pagiging pinakamabangis, pinakamalupit, at naupo sa trono ng mga kriminal sa loob ng pambansang bilangguan?
Sa kasagsagan ng kaguluhan sa Bilibid noong 1958, lumutang ang pangalang Alfredo Peralta – isang preso na nakahanay sa Sigue-Sigue Gang ni Baby Ama. Si Peralta ay tinaguriang “Buang” ng kanyang mga kapwa bilanggo, isang salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “baliw” o sira-ulo. Si Generoso Dungca, o mas kilala bilang “Boy Kamatis,” ay isa sa mga kinatatakutang pangalan sa loob ng New Bilibid Prison noong dekada ’70. Bagama’t hindi kasing tanyag sa labas tulad nina Baby Ama, si Boy Kamatis ang naging “Hari ng Sigue-Sigue Sputnik” gang sa loob ng maximum security compound. Sa labas ng bilibid, si Pacifico Guevarra ay isang matalinong binatilyo mula sa Tarlac na kilala sa palayaw na “Pykes.” Sa murang edad na 14, ipinamamalas niya ang sipag at talino: naging nangungunang mag-aaral siya mula Grade 1 hanggang Grade 5, at nakatakdang mag-valedictorian sa Grade 6. Si Primitivo “Ebok” Ala ay kilala bilang pinuno ng notoryus na OXO Gang sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Noong dekada ’50, namayani ang gang war sa pagitan ng grupo ni Ebok at ng karibal nitong Sigue-Sigue Gang na kinabibilangan ng batang si “Baby Ama”. Sinasabing “mortal na magkaaway” sina Ebok at Baby Ama – tunggalian ng dalawang kabataan na humantong sa pinakamalagim na riot sa kasaysayan ng Bilibid noong Pebrero 16, 1958. Si Marcial “Baby Ama” Perez ay isang payat at musmos na magnanakaw na nakulong noong huling bahagi ng dekada ’50 dahil umano sa simpleng pagnanakaw ng pera para matustusan ang pag-aaral ng kaibigan. Dahil sa kanyang batang hitsura, binansagan siyang “Baby” ng mga nakasabayan niya sa selda.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: