Bayan Nilayasan (Rock Version) - ArchAugust OPM | Pinoy Alt Rock
Автор: ArchAugust
Загружено: 2026-01-10
Просмотров: 77
Описание:
Bayan Nilayasan (Rock Version) - ArchAugust OPM Alternative Rock
Mula pagkabata ayaw na ayaw kong umalis ng Pinas. Pero habang tumatanda, unti-unting nawalan ng pag-asang mababago pa ang sistemang puno ng nakawan hanggang sa ako'y tuluyang lumayas.
Kung nakapasyal ka na sa ibang bansa kung saan maayos ang sistema, ewan ko na lang kung masisikmura mo pa kung gaano sobrang wala kang napapala sa mga buwis na iyong binabayaran dyan. Dito sa NZ kitang-kita kung saan napupunta lahat ng buwis mo, isipin mo na lang kada baryo may isa or dalawang sariling malawak na parke na kumpleto sa gamit, regular maintenance pa hindi pinapabayaan lang. Walang pila sa mga opisina ng gobyerno, walang polusyon, walang trapik kasi maayos infrastructure kasi hindi ginigiba mga maayos na kalsada para makakurakot, libre paospital pati lahat ng gamot, etc etc. Mga public servant wala kang makikitang tamad na, mayabang pa, gustong tumulong talaga. Sa school para kang VIP kung asikasuhin ng mga guro hanggang sa principal, hindi mo kailangang maging mayaman, hindi ninanakaw pondo kaya konti lang size ng mga klase hindi siksikan at lahat may maayos na rooms at teachers plus teacher aides, etc etc.
Sana'y 'wag nang masanay sa kulang-kulang na serbisyo ng gobyerno dyan dahil sa talamak na nakawan ng perang dapat napupunta sa ikabubuti ng karamihan hindi ng iilang kurakot.
Ang umpisa video ay sa labas lang ng bahay namin sa Pinas, sinundan ng aming bakuran dito sa NZ. Kahit nasa mas mababang klase ang aming baryo dito, ganun pa rin kaayos. Magkakaganyan din siguro ang buong Pilipinas kung hindi na normal ang pagnanakaw sa pera ng bayan.
Like and subscribe for more original Pinoy alternative music stories!
Listen to ArchAugust music in HD audio quality
Spotify: https://open.spotify.com/artist/5ucsx...
Tiktok: / archaugustopm
YouTube Music: / archaugust - topic
Apple Music: / archaugust
#opm #bayannilayasan #protestsong #pinoyrock #tagalogsong #originalmusic #pinoyalternative
Pinoy Alternative Rock OPM (Original Pilipino Music)
---
Bayan Nilayasan Lyrics
Noong ako'y bata pa
Akala kakayanin pa
Sa sariling bayan aasenso
Kaso nung tumanda naging klaro
Ang sistema wala nang pag-asa
Kaya sariling bayan nilayasan
Lumaking parang walang ama
Kasi OFW, laging wala
Bakit kailangan pang lumayo?
Tanong ng batang ako
Kaya aking napagtanto
Ako hinding-hindi lalayo
Sa sariling bayan aasenso
Magkakaro'n sariling negosyo
Hanggang sa sinubukan ko nga
Sa huli walang mabuting napala
Sobrang hirap lumaban ng patas
Kung laganap mga mandurugas
Hirap na ngang kumita
Buwis mo ninanakaw pa
Noong ako'y bata pa
Akala kakayanin pa
Sa sariling bayan aasenso
Kaso nung tumanda naging klaro
Ang sistema wala nang pag-asa
Sariling bayan ginustong layasan
Dati ako ang unang kokontra
Pag me gustong mangibang-bansa
Magiging second class ka lang don
Sinasabi sa kaignorantehan ko no'n
Pero nung nasubukan na
Anlayong mas maayos pala
Walang naghahariharian
Mga tao me respeto't magalang
Wala ring trapik lahat matino
Iilan lang ang may sira ulo
Walang polusyon lahat malinis
Libre lahat dahil sa 'yong buwis
Lahat ng yan malabo
Sa bayang laganap mga dorobo
Noong ako'y bata pa
Akala kakayanin pa
Sa sariling bayan aasenso
Kaso nung tumanda naging klaro
Ang sistema wala nang pag-asa
Sariling bayan walang pinatutunguhan
Sana'y malaman ng madla
Kung anong pinagkakait sa kanila
Maayos sanang pamumuhay
Ninanakaw ng walang sablay
Kung sa ibang bansa yan nangyari
Marami na sanang nayari
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: