KEYSHAWN DAVIS NAGRETIRO NA!? Dating World Champ, Binatikos ng Fans sa Social Media!
Автор: KABOKSING
Загружено: 2025-08-02
Просмотров: 508
Описание:
WELCOME BACK MGA KABOKSING!
Mainit na usap-usapan ngayon sa mundo ng boxing ang biglaang pahayag ng former WBO Lightweight Champion Keyshawn "The Businessman" Davis na siya raw ay nagretiro na sa boxing! 😱
Matapos siyang mabaklasan ng titulo dahil sa pagiging overweight kontra Edwin De Los Santos nitong Hunyo, ay naglabas siya ng video sa social media kung saan diretsahang sinabi niyang hindi na siya babalik sa lona... maliban na lang kung gugustuhin ng mga fans!
Ayon kay Davis, humihina na raw ang boxing at ayaw na niyang istresin ang sarili. Nakabili na raw siya ng bahay at ayaw na niyang lumaban para lang bayaran ang mortgage. 😮
Pero hindi natuwa ang mga fans. Binaha ng negative comments ang video niya, at marami ang nagsabing puro drama na lang ang mga boxers ngayon, lalo na't kakaretiro lang din diumano ni Gervonta Tank Davis.
Pinaniniwalaan ng mga fans na ginagamit lang si Davis bilang produkto ng Top Rank — pinipili raw ang mahihinang kalaban tulad ni Denys Berinchyk (37 anyos na) para magmukhang dominante. Ito raw ang dahilan kung bakit pinutol ng ESPN ang partnership nila sa Top Rank.
Kung sakaling bumalik man si Davis, mahihirapan na siyang iwasan ang mga bigatin sa 135 at 140 lbs:
🔥 Andy Cruz
🔥 Abdullah Mason
🔥 Raymond Muratalla
🔥 Ernesto Mercado
🔥 Gary Antuanne Russell
🔥 Subriel Matias
Anong tingin ninyo mga Kaboksing? Umalis na nga ba talaga si Davis sa boxing? Drama lang ba ito o may pinaghahandaan siya? I-comment ang inyong reaksyon sa baba!
#KeyshawnDavis #BoxingNewsTagalog #Kaboksing
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: