It’s Showtime January 31, 2026 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-31
Просмотров: 3258
Описание:
Refreshing ang Sabado kasama ang madlang players mula Calamba, Laguna sa 'Laro Laro Pick' game arena. Refreshing at nakakasilaw rin ang ganda ni guest co-host Alexa Ilacad, na naki-ride sa 'puksaan' ng magkaibigang MC at Lassy.
Nahirapan man sa sayawan, game naman sa kuwentuhan si Juvie, isang raketerang single mommy. Na-appreciate naman nina Vice Ganda ang hanapbuhay ni Lex bilang balut vendor. Napaisip ang grupo kung anong bagay ang gusto nilang mailabas kung sila'y mangingitlog. Napagkamalan tuloy na itlog si Tekloy!
Hindi itlog, as in hindi bokya ang mga taga-Laguna. Dahil kahit si Darren Espanto ang umabante sa final game, ang paglalaro niya'y para sa isang eliminated madlang player na mabubunot. Samantala, si Alexa, sumuko na dahil for the second time, ligwak agad siya sa unang round pa lang!
Ang lucky partner ni Darren ay si Copra, na nagsisikap mabayaran nang buo ang tricycle na ginagamit sa hanapbuhay. Sakto dahil P200k ang pwede niyang maiuwi kung si Darren ay hindi magkakamali. Para kay Copra, sapat na ang P30k Li-Pot offer, pero mas gusto ni Darren na makapag-uwi ito ng mas malaki. Si Darren na ang bahala! Bigo man na masagot ang POT question, dinagdagan pa niya ang offer at ginawang P50,000 ang regalo niya kay Copra.
Isang pambato ng Region I ang pinili nina hurados JM Yosures at Sofronio Vasquez, at Punong Hurado Ogie Alcasid sa ikalawang regional finals edition ng 'Tawag Ng Taghalan Ika-10' Taon.
Sa unang batch ng performers, aminado ang tatlong hurados na nakulangan sila sa ipinakita nina Jeanel Silvestre (mula Laoag City) na binigyan ng sariling rendisyon ang "Upuan," Juline Tacsiat (mula Ilocos Sur) na inawit ang "Natutulog Ba Ang Diyos," at Kisen Abrogar (mula Pangasinan) na hinaplos ang puso ng lahat sa pagkanta ng "Batang-Bata Ka Pa."
Sa ikalawang batch ng regional finalists, determined to come back stronger si Erich Flores (mula La Union) na pinerform ang "She Used to Be Mine." Katulad noong daily round, muntik nang ma-gong si Erich matapos mabilangan nang dalawang beses. Hinarana naman ni Patricio Eden (mula Pangasinan) ang Madlang People sa awiting "Ipagpatawad Mo."
Katulad ng kanilang komento sa unang batch, tila hindi masyadong satisfied ang mga hurados. Kinontra ni Sofronio ang paghahanap ni JM ng 'beautiful' performance dahil
naniniwala siya na hindi lang basta pagiging 'clean' ang kailangan. Para kay Ogie, mas mabuti na 'yung nag-take risk kahit hindi perfect.
Mahirap i-predict ang naging laban. Pero sa dulo, ang umangat sa tanghalan ay si Kisen, sa score na 93.3%. Nasa ikalawang pwesto naman si Patricio sa markang 92.7%, sumunod si Jeanel na nakakuha ng 90.7%. Nasa ika-apat na puwesto si Juline at panghuli si Erich.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
#ShowtimeRegion1Hamunan
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: