Tagalog Testimony Video | "Pagkatapos ng mga kasinungalingan"
Автор: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Загружено: 2020-07-10
Просмотров: 5233
Описание:
Nais mo bang makalaya mula sa mga gapos ng kasalanan at maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit? I-click ang link para sumali sa aming Messenger group, at tutulungan ka naming mahanap ang paraan. Messenger: https://shurl.me/TLMessenger
Tagalog Testimony Video | "Pagkatapos ng mga kasinungalingan"
Ang Pagkatapos ng mga Kasinungalingan ay ang patotoo ng isang Kristiyano na nakaranas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagawang maunawaan ng pangunahing tauhan na minamahal ng Diyos ang matapat at kinamumuhian ang mapanlinlang, at ang matapat lang ang ganap na maililigtas at makakapasok sa kaharian ng langit. Dahil dito, sinimulan niyang hangaring maging isang matapat na tao. Pero nang may hinarap siyang mga bagay na maaaring makaapekto sa kanyang reputasyon at katayuan sa pang-araw-araw na buhay, hindi pa rin niya napigilan ang sarili sa pagsisinungaling at pagiging mapanlinlang at may mga pagkakataong pinagtakpan niya ang kanyang mga kasinungalingan pagkatapos gawin ito. Hindi na siya mapalagay at napatunayan niyang ito ay mahirap at nakakapagod na paraan ng pamumuhay. Kalaunan, sa pamamagitan ng paghatol at paghayag ng mga salita ng Diyos, nagkaroon siya ng kaunting pag-unawa sa kanyang makademonyong disposisyon na naging dahilan para magsinungaling at manlinlang siya. Nakita niya ang ugat, ang kalikasan, at ang mga kahihinatnan ng pagsisinungaling, nagsimula siyang makaramdam ng pagsisisi, at nagsisi siya sa Diyos. Isinagawa niya ang pagiging matapat na tao, at naging bukas siya sa mga kapatid upang ibunyag ang kanyang sariling mga mapanlinlang na motibo, at naranasan niya ang galak sa pagsasabi ng katotohanan at pagiging matapat.
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: