SHOE MUSEUM
Автор: Erwin Crisostomo
Загружено: 2020-10-12
Просмотров: 11
Описание:
Shoe Museum
JP Rizal Street, Brgy. Sta. Elena, Marikina City
Ang Marikina Shoe Museum ay pinasimulan noong taong 1998 sa panunungkulan ni Mayor Bayani F. Fernando at binuksan noong taong 2001 na isang pagkilala sa lungsod dahil sa ito ay tinaguriang Shoe Capital of the Philippines, sa pamamagitan nito ay naipakikilala ang historikal at kultural na aspeto ng industriya ng sapatos sa Marikina. Itinatampok dito ang mga sapatos ng mga kilalang tao mula sa mga dating pangulo, dating alkalde ng lungsod. Artista, ambassador, politiko gayundin ang ilang tradisyonal na sapatos sa ibang bansa. Ito ay naglalaman ng 758 na pares ng sapatos at sa 605 rito ay pagmamay-ari ng dating unang ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos.
Noong panahon ng Espanyol ay ginamit ang bahay na ito bilang taguan ng mga gamit pandigma. Ito rin ang siyang ginamit bilang kulungan noong panahon ng giyera ng Pilipino-Amerikano kung saan nakulong si Heneral Makario Sakay na isa sa mga lider ng Katipunan. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang pamilya Tuazon ay ginamit ang bahay na ito bilang imbakan ng bigas sa buong hacienda.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: