ycliper

Популярное

Музыка Кино и Анимация Автомобили Животные Спорт Путешествия Игры Юмор

Интересные видео

2025 Сериалы Трейлеры Новости Как сделать Видеоуроки Diy своими руками

Топ запросов

смотреть а4 schoolboy runaway турецкий сериал смотреть мультфильмы эдисон
Скачать

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine . ENERO 22, 2026. 6 a.m

Автор: Catholic Mass Today Live (CMTL)

Загружено: 2026-01-22

Просмотров: 5586

Описание: Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins
HEALING MASS (I) January 22, 2026
HUWEBES ng IKALAWANG Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Paggunita kay San Vicente, diyakono at martir
IKA-22 ng Enero 2026 || Healing Thurssday Mass
BANAL NA MISA

UNANG PAGBASA
1 Samuel 18, 6-9; 19, 1-7

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, matapos mapatay ni David si Goliat, nagbalik na si Haring Saul at ang kanyang mga tauhan. Sa bawat bayang madaanan nila, sinasalubong sila ng mga kababaihan na umaawit at sumasayaw sa saliw ng mga pandereta at alpa. Ganito ang kanilang awit:

“Libu-libo ang pinatay ni Saul,
Ang kay David naman ay sampu-sampung libo.”

Nagalit si Saul at naisaloob niya, “Kung sinasabi nilang sampu-sampung libo ang pinatay ni David at ako’y libu-libo lang, kulang na lamang ay siya ang kilalanin nilang hari.” At mula noon naging mainit na ang mata niya kay David.

Minsan, nasabi ni Saul kay Jonatan at sa kanyang mga tauhan ang balak niyang pagpatay kay David. Mahal ni Jonatan si David, kaya sinabi niya rito ang balak ng kanyang ama. Ang sabi niya, “Binabalak kang patayin ng aking ama. Bukas ng umaga, magtago ka sa isang lugar. Yayayain ko naman ang aking ama sa may pinagtataguan mo at kakausapin ko tungkol sa iyo. Pagkatapos naming mag-usap sasabihin ko agad sa iyo ang anumang sasabihin niya.”

Kinausap nga ni Jonatan ang kanyang ama tungkol kay David. “Ama, bakit ibig ninyong patayin si David gayong wala namang ginagawang masama sa inyo? Hindi ba’t pinakikinabangan ninyo siyang mabuti? Ipinain niya ang kanyang buhay nang harapin niya si Goliat at niloob naman ng Panginoon na magtagumpay siya para sa Israel. Alam ninyo ito at inyo pang ipinagdiwang. Bakit ninyo siya papatayin gayong wala siyang kasalanan?”

Dahil dito, nagbago ng isip si Saul. Sinabi niya, “Naririnig ng Panginoon, hindi ko na siya papatayin.” Ang sagot na ito ng hari ay sinabi naman ni Jonatan kay David. Isinama pa siya ni Jonatan sa hari, at tulad ng dati, pinaglingkuran niya ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 55, 2-3. 9-10ab. 10k-11. 12-13

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Maawa ka, Panginoon ako’y iyong kahabagan,
lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway;
nilulusob nila ako, walang likat, maghapunan,
O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban.

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat,
pati mga pagluha ko’y may talaan ka nang ingat.
Kung sumapit ang sandaling ako sa iyo ay humibik,
ang lahat ng kaaway ko ay tiyak na malulupig;
pagkat aking nalalamang, “Diyos ang nasa aking panig.”

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

May tiwala ako sa Diyos, pangako niya’y iingatan,
pupurihin ko ang Poon sa pangakong binitiwan.
Lubos akong umaasa’t may tiwala ako sa Diyos
kung tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

Ang anumang pangako ko’y dadalhin ko sa ‘yo, O Diyos,
ang hain ng pasalamat ay sa iyo ihahandog.
Pagkat ako ay iniligtas sa bingit ng kamatayan,
iniligtas mo rin ako sa ganap na katalunan;
ako ngayon ay lalakad sa harapan mo, O Diyos,
na taglay ko ang liwanag na ikaw ang nagdulot!

May tiwala ako sa D’yos,
hindi ako matatakot.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 3, 7-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya ng maraming taong buhat sa Galilea. Nagdatingan din naman ang napakaraming tao mula sa Judea, sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon nang mabalitaan nila ang lahat ng ginawa ni Hesus. Nagpahanda si Hesus sa kanyang mga alagad ng isang bangkang magagamit niya, upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. Marami na siyang pinagaling, kaya’t pinagdumugan siya ng lahat ng maysakit upang mahipo man lamang nila. Bawat inaalihan ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” At mahigpit silang pinagbawalan ni Hesus; ayaw niyang ipasabi kung sino siya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Не удается загрузить Youtube-плеер. Проверьте блокировку Youtube в вашей сети.
Повторяем попытку...
FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine .  ENERO  22,  2026. 6 a.m

Поделиться в:

Доступные форматы для скачивания:

Скачать видео

  • Информация по загрузке:

Скачать аудио

Похожие видео

CATHOLIC PRIEST WALKS INTO BUDDHIST TEMPLES IN BANGKOK AND THIS HAPPENS

CATHOLIC PRIEST WALKS INTO BUDDHIST TEMPLES IN BANGKOK AND THIS HAPPENS

Happy January Jazz ☕ Morning Coffee Music with Relaxing Jazz & Bossa Nova Piano for Great Mood

Happy January Jazz ☕ Morning Coffee Music with Relaxing Jazz & Bossa Nova Piano for Great Mood

THURSDAY FILIPINO LIVE MASS TODAY *JANUARY 22, 2026* FR. JOWEL JOMARSUS GATUS

THURSDAY FILIPINO LIVE MASS TODAY *JANUARY 22, 2026* FR. JOWEL JOMARSUS GATUS

CATHOLIC MASS  OUR LADY OF MANAOAG CHURCH LIVE MASS TODAY January 22, 2026  5:40 a.m. Holy Rosary

CATHOLIC MASS OUR LADY OF MANAOAG CHURCH LIVE MASS TODAY January 22, 2026 5:40 a.m. Holy Rosary

#QuiapoChurch 10 AM Mass * 22 Jan 2026 * Thur of the 2nd Week in OT* w/ Fr. Edward Jayson San Diego

#QuiapoChurch 10 AM Mass * 22 Jan 2026 * Thur of the 2nd Week in OT* w/ Fr. Edward Jayson San Diego

LIVE: DILG Sec. Jonvic Remulla holds press briefing | January 22

LIVE: DILG Sec. Jonvic Remulla holds press briefing | January 22

5 Taong Nagtrabaho sa Ibang Bansa, Kumita ng Bilyon—Pag uwi Niya, Nakita ang Inang Nakatira sa Kubo

5 Taong Nagtrabaho sa Ibang Bansa, Kumita ng Bilyon—Pag uwi Niya, Nakita ang Inang Nakatira sa Kubo

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 22, 2026 [HD]

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 22, 2026 [HD]

CATHOLIC LIVE MASS TODAY  HEALING MASS - Holy Mass. 24  Jan  . a.m.

CATHOLIC LIVE MASS TODAY HEALING MASS - Holy Mass. 24 Jan . a.m.

Божественная литургия 22 января 2026 года, Успенский собор Московского Кремля, г. Москва

Божественная литургия 22 января 2026 года, Успенский собор Московского Кремля, г. Москва

Goodness Of God - Best Worship Songs 2025, Top Christian Music, Hillsong Worship Best Praise Songs

Goodness Of God - Best Worship Songs 2025, Top Christian Music, Hillsong Worship Best Praise Songs

BREAKING NEWS: M@R_COS JR. NASA

BREAKING NEWS: M@R_COS JR. NASA "MEDICAL EMERGENCY"?! STATUS: HINDI SIGURADO? FULL DISCLOSURE WALA!

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine .  ENERO  21,  2026. 6 a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine . ENERO 21, 2026. 6 a.m

FILIPINO MASS TODAY THURSDAY || January 22  ONLINE MASS  |  REV FR DOUGLAS BADONG

FILIPINO MASS TODAY THURSDAY || January 22 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG

UNTV: C-NEWS | January 22, 2026

UNTV: C-NEWS | January 22, 2026

Пока время милости! Протоиерей Андрей Ткачёв

Пока время милости! Протоиерей Андрей Ткачёв

Exploring 1595 Old Church|Hindi Ito Ordinaryong Simbahan

Exploring 1595 Old Church|Hindi Ito Ordinaryong Simbahan

Mga Panalangin sa SANTO NIÑO JESUS • Tagalog Prayer

Mga Panalangin sa SANTO NIÑO JESUS • Tagalog Prayer

Goodness Of God - Best Morning Worship Songs, Hillsong Worship Collection 2025 , Worship Music

Goodness Of God - Best Morning Worship Songs, Hillsong Worship Collection 2025 , Worship Music

EAT BULAGA LIVE | TVJ ON TV5  | JANUARY 22, 2026

EAT BULAGA LIVE | TVJ ON TV5 | JANUARY 22, 2026

© 2025 ycliper. Все права защищены.



  • Контакты
  • О нас
  • Политика конфиденциальности



Контакты для правообладателей: [email protected]