It’s Showtime January 28, 2026 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-28
Просмотров: 17895
Описание:
Patawid na tayo sa buwan ng FEB-ibig kaya marami ang excited lalo na 'yung mga magse-celebrate ng Valentine's Day nang masaya, katulad ni Maymay Entrata, na 'on fire' ang puso!
‘Kabog’ ang awra at husay ni Maymay as she performed her new song "Masunog Man,” na hinugot daw sa isang natutunan niya tungkol sa pag-ibig, "Kapag nagmahal pala tayo, dapat handa rin tayong masaktan." Dagdag niya, "Sugal ang pagmamahal"
Masaya ang relasyon niya sa non-showbiz boyfriend. Kamakailan nga ay nag-post siya ng 'monthsary' greeting para sa nobyo, kaya 'di maiwasan ni Kim Chiu na kiligin para sa 'amiga' niya. "Happy six months" pagbati ni Kim, na hindi rin naman nakatakas sa asaran nang tanungin ni Anne Curtis kung siya ba'y 'lover' o 'loved one.' Sagot naman ng Chinita Princess, "Ang gusto ko lang ay to be loved."
Bitbit ang kanilang tapang, sumugod ang ilang residente ng Bacoor, Cavite sa 'Laro Laro Pick' game arena upang subukang sungkitin ang P350,000 jackPOT money!
Kung ang lugar nila ay blessed sa mga nahuhuling yamang dagat, huling-huli rin ng players ang kiliti ng Madlang People at 'Showtime' family. Kahit si Vice Ganda ay naaliw sa mga manlalaro, lalo na kay Nanet, na para bang nagliliwanag ang awra. Sa sobrang liwanag, papuntang Lotus Feet na!
Ang daming nangyari sa banter nina Nanet at Meme! May instant audition, nagsayawan, at sandamakmak na tawanan! Nakigulo pa si 'Harry,' este Bandol pala. At si player Ganda naman, bakit parang "baliktaran ang mukha"? Eh, paano naman 'yung mukhang "nakakain ng panis na bahaw," Meme? Na-gets ba ni Anne?
Pagkatapos ng kulitan, game mode on ang madlang players mula Bacoor, Cavite upang maiuwi ang jackPOT! Ang working student at LGBTQ member na si Lars ang umabante sa final game.
Pinatunayan ni Lars ang tapang ng mga Caviteño sa pagpili ng POT question, na tungkol sa pangalan ng karakter ni Karylle sa fantasy series na "Encantadia" noong 2005. Nasagot niya ito nang tama, kaya ang P350k ay sa kanya na nga! Secured na ang tuition fee hanggang 4th year college! Samantala, nakiusap si Vice kay Lars na itabi ang perang napanalunan para lang sa kanyang pag-aaral.
Gaano man katindi ang hamon ng entablado, hindi sinukuan ng dalawang mang-aawit na sumalang sa 'Tawag Ng Tanghalan.'
Para sa pedicab driver na ama at OFW na ina, at para sa pangarap niya, lumaban si Kisen Abrogar. Dahil sa mapusong pag-awit ng "Handog," originally by Florante, nahaplos ni Kisen
ang damdamin nina hurado Bituin Escalante at JM Yosures at Punong Hurado Louie Ocampo.
Komento ni Maestro Louie, labis siyang naapektuhan sa "sincere" and "pure" storytelling ni Kisen. Dagdag ni Bituin, natural na "may hikbi" ang tinig ng 20-year-old contender from Pangasinan, "Pinana mo ang mga puso namin."
Ramdam ni Kisen ang mensahe ng awitin dahil inaalay niya ito sa pumanaw na lolo. At para pangitiin ang kalahok, sunod-sunod ang bitaw ng punchline ni Meme, na naging instant lyricist pa nga!
Samantala, ang ikalawang kalahok ay si Maria Dizon mula La Union. "Take Me to Church," ang napili niyang sandata sa pagkanta. "think it's just too big of a song," reaksyon ni hurado Bituin. Dagdag ni Maestro Louie, the song was too overpowering that he felt uncomfortable for Maria, "You weren't in your element.” Napansin din ni hurado JM na "bumitaw" si Maria sa kalagitnaan ng kanta kaya nawalan ng power.
Sa dulo, si Kisen ang itinanghal na panalo, sa score na 95%, na mas mataas sa 89.3% ng katunggali.
#ItsShowtime
#ABSCBNEntertainment
#ShowtimeNCRegionalFinals
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: