YEN SANTOS MINANIPULA NI PAOLO? NAG SORRY KAY LJ REYES?
Автор: ARTISTA PH
Загружено: 2025-07-23
Просмотров: 36072
Описание:
YEN SANTOS MINANIPULA NI PAOLO? NAG SORRY KAY LJ REYES?
Anong ganap sa mundo ng showbiz
Sa isang emosyonal na pahayag sa isang vlog noong July 23, ibinunyag ni Yen Santos ang naging mapait na karanasan sa isang dating kasintahan na umano’y "controlling" at "manipulative" — isang relasyon na aniya’y unti-unting sumira sa kanyang pagkatao.
Bagamat walang pinangalanan, ang mga pahayag ni Santos ay umalingawngaw sa gitna ng mga lumang kontrobersya kaugnay ng kanyang relasyon kay Paolo Contis, na kinumpirma nitong Enero 2023. Pumutok ang balitang hiwalay na sila nitong Mayo 2024 matapos mapansing nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.
“Napakalaking blessing na natapos na ‘yun,” ani Yen. “Hindi worth it ang panahon at enerhiya ko sa isang taong kino-kontrol at mina-manipula ka.”
Aniya, sa simula’y akala niya ay totoo ang ipinapakita ng lalaki ngunit unti-unting lumitaw ang tunay nitong ugali. “Nahulog ako, naniwala ako... Pero deep down, alam mong may nasaktan ka sa maling desisyon mo.”
Dagdag niya, napagtanto niyang ang mga taong mabilis magpahayag ng “pag-ibig” at nagpapakitang-gilas agad ay “red flag.” “Akala mo nakakakilig, pero hindi pala. Love-bombing pala ’yun. Takbo ka na.”
Sa dulo ng video, humingi ng tawad si Yen sa mga taong nasaktan niya noong panahong iyon. “Wala po akong excuse doon. Mali po talaga ako. Nagkamali po ako.”
Sa kabila ng kontrobersya, nanatiling tikom ang bibig ng ex niyang si Contis tungkol sa detalye ng kanilang hiwalayan. Noong Nobyembre 2024, kinumpirma nitong single na siya.
Samantala, kasalukuyang naghahanda si Yen para sa kanyang pagbabalik sa showbiz ngayong 2025, bagamat hindi pa siya nagbibigay ng detalye tungkol dito.
***
Yen Santos, Paolo Contis, LJ Reyes, Yen Santos Paolo issue, Yen Santos LJ Reyes, Paolo Contis controversy, showbiz chismis, Yen Paolo breakup, Yen Santos manipulated, LJ Reyes update, artistaPH, trending ngayon, showbiz news PH, Pinoy celebrity issues, Paolo Contis apology, Yen Santos nag sorry, LJ Reyes reaction
***
ARTISTA PH,
ANONG GANAP,
ANONG GANAP SA MUNDO NG SHOWBIZ
***
All videos and photos used in this video are believed to fall under fair use for the purposes of criticism, comment, and news reporting. No copyright infringement is intended. If you are the copyright holder of any material and do not wish for it to appear in this video, please contact me and I will remove it promptly.
***
ARTISTA PH is accepting paid promotions. For inquiries, please message our page or e-mail us at [email protected]
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: