TV PATROL: 2 arestado sa pagnanakaw umano ng kable sa Maynila
Автор: ABS-CBN News
Загружено: 2026-01-23
Просмотров: 179
Описание:
Arestado ang dalawang lalaking nagnakaw umano ng mga kable ng kuryente sa Port Area, Maynila ngayong Biyernes ng umaga. Ayon sa pulisya, naharang sila sa 'Oplan Sita' at natuklasang walang lisensya ang rider.
Ininspeksyon din ang dala nilang sako, at nakita ang dalawang rolyo ng kableng mahigit limampung metro ang haba. Mayroon umano itong markings ng electric company. Giit ng mga suspek, hindi nila ito ninakaw.
Katwiran nila, inutusan lamang sila ng kanilang amo na kunin ito sa isang tindahan. Inaalam pa ng awtoridad ang kabuuang halaga ng mga narekober na kable.
Patuloy din ang imbestigasyon para matukoy ang sinasabing nag-utos sa mga suspek. Nasa kustodiya na sila ng Baseco Police Station.
Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Anti-pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines or Materials Act of 1994 at Land Transportation and Traffic Code. TV Patrol, Biyernes, 23 Enero 2026
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: