Ano ang Impacted Cerumen ?
Автор: myENTdok
Загружено: 2025-08-26
Просмотров: 23
Описание:
Ang Impacted cerumen ay ang medical term para sa baradong tutuli sa loob ng tainga. Nangyayari ito kapag ang earwax (cerumen) ay naiipon at tumigas sa ear canal, na nagiging sanhi ng iba't ibang sintomas.
A. Mga Sanhi ng Impacted Cerumen
1. Sobrang produksyon ng tutuli – May mga tao talagang mas maraming tutuli kaysa sa normal.
2. Makipot o baluktot na ear canal – Nahihirapan ang tutuli na lumabas nang kusa.
3. Paggamit ng earplugs, hearing aids, o earphones – Maaaring itulak ang tutuli papaloob.
4. Paglilinis gamit ang cotton buds – Imbes na matanggal, lalo lang itong naitutulak sa loob.
B. Mga Sintomas
1. Pakiramdam na puno ang tainga
2. Panlalabo ng pandinig o hearing loss
3. Sakit sa tainga
4. Pagkakaron ng tunog gaya ng ringing (tinnitus)
5. Pangangati o pamumula
6. Pagkahilo o vertigo sa ilang kaso
C. Paano Ito Ginagamot
1. Ear drops para palambutin ang tutuli
2. Manual removal ng doktor gamit ang espesyal na kagamitan
3. Irrigation o pag-flush ng tainga gamit ang tubig o saline solution
4. Karaniwan ito ay hindi delikado, subalit kung hindi maagapan, puwedeng magdulot ng komplikasyon gaya ng impeksyon o tuluyang pagkawala ng pandinig.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: