Paano palitan ang maling kasarian sa birth certificate?
Автор: Chel Diokno
Загружено: 2022-07-14
Просмотров: 23653
Описание:
Puwede po palitan ang maling kasarian sa pamamagitan ng prosesong administratibo sa Local Civil Registrar sa ilalim ng Republic Act 10172.
Ngunit may mga requirement na kailangang ibigay sa LCR upang patunayan na ang pagpapalit ng kasarian sa birth certificate ay typographical error lang at hindi sa ibang bagay.
Kabilang dito ang pinakamaagang school record o medical records upang maipakita natin ang totoong kasarian.
Dapat ding magsumite ng dokumento mula sa religious authorities gaya ng baptismal certificate na nagpapakita ng kasarian.
Bukod pa riyan, kailangan din ng certification mula sa isang accredited na doktor ng gobyerno na nagpapatunay na hindi kayo dumaan sa sex change o sex transplant operation. (Nagkaroon kasi ng isang kaso na umabot sa Supreme Court kung saan ang tao na naghain ng petisyon para palitan ang kanyang kasarian ay sumailalim sa isang sex change operation. Sa desisyon ng Korte Suprema, hindi itong puwedeng gawin kung nagpapalit ng kasarian ang isang tao sa pamamagitan ng operasyon. Ngunit ito’y hiwalay na isyu sa ating pinag-uusapan sa ngayon.)
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: