SLOPE PROTECTION, BALUARTE BRIDGE SA CARRANGLAN, NUEVA ECIJA, NASIRA SA HAGUPIT NG BAGYONG “UWAN”
Автор: TV48 Station
Загружено: 2025-11-12
Просмотров: 471
Описание:
SLOPE PROTECTION, BALUARTE BRIDGE SA CARRANGLAN, NUEVA ECIJA, NASIRA SA HAGUPIT NG BAGYONG “UWAN”; HIGIT 2,000 PAMILYA APEKTADO
Matinding pinsala ang idinulot ng tuluy-tuloy na malakas na ulan at pag-apaw ng tubig sa Carranglan River, na nagresulta sa pagkasira ng slope protection at gabion wire na itinayo pa noong 2010.
Bukod dito, nasira rin ang approach slope ng Baluarte Bridge sa Barangay RA Padilla, isang mahalagang provincial road na nagsisilbing pangunahing ruta papunta sa mga barangay sa Carranglan.
Ayon kay Carranglan Mayor Rogelio Abad, hindi inasahan ng lokal na pamahalaan ang biglaang pagtaas ng tubig at tindi ng agos mula sa kabundukan, dahilan upang agad na magpatupad ng mga precautionary measures sa mga residente at rescuers.
Ani Mayor Abad, nag-ugat ang matinding agos ng tubig sa pagsasalubong ng Caloocan River at Salazar River sa iisang channel sa Carranglan. Kapag nagsabay ang pagtaas ng tubig mula sa dalawang ilog, umaabot ito hanggang bewang sa mga kalsada at mabilis na kinakain ng rumaragasang tubig ang lupa at mga estrukturang nadaanan nito.
Nasira ang approach slope ng Baluarte Bridge kung saan wala nang laman ang ilalim ng pavement, dahilan upang ituring itong delikado para sa mga mabibigat na sasakyan.
Kaya naman, light vehicles lamang ang pinapahintulutang dumaan sa tulay at single-lane traffic ang ipinatutupad sa ngayon bilang precautionary measure.
Tinatayang 1,000 hanggang 2,000 pamilya sa Carranglan ang naapektuhan ng pagbaha, partikular ang mga residente sa Barangay San Agustin, Salazar, Burgos, at RA Padilla, kabilang ang ilang sitio na nananatiling isolated dahil sa mahinang signal at limitadong access roads.
Sa atas ni Governor Aurelio Umali, personal na ininspeksyon ni Vice Governor Gil Raymond “Lemon” Umali ang mga nasirang imprastraktura sa Carranglan, kasama ang Provincial Engineering Office.
Nagbigay din ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna nina Vice Governor Umali, Provincial Administrator Atty. Jose Maria Ceasar San Pedro, at Bokal Ferdinand “Dindo” Dysico, ng 500 charity packs mula sa PCSO para sa mga apektadong residente.
Patuloy naman ang assessment ng Provincial Engineering Office at Office of the Agriculturist upang matukoy ang kabuuang halaga ng pinsala, kabilang ang mga sinirang taniman at kabuhayan.
Sa buong Nueva Ecija, umabot na sa 4,500 pamilya o 14,000 indibidwal ang naapektuhan, batay sa consolidated reports ng mga LGU sa lalawigan.
#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: