'PBB Collab 2.0' ex-housemates, reunited sa Laro Laro Pick | It's Showtime | January 1, 2026
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2026-01-08
Просмотров: 9458
Описание:
Sabay-sabay tayong 'sasakses' this 2026! Simulan ang bagong taon with a smile, 'yun bang ngiting kinikilig para mas umusbong ang pag-ibig.
Start the year right with a mood na positive and light. I-shake off ang negativity at makisayaw sa isang New Year party kasama sina ex-"PBB Collab" housemates Emilio Daez, Ralph de Leon, Ashley Ortega, and Josh Ford, featuring the most trending dance hits from 2025.
Dahil unang araw ng taon, nag-reflect ang mga bisita tungkol sa New Year's resolutions nila. Si Josh, gustong mas maging fit katulad ni Ralph. Si Ralph naman ay bet i-improve ang dance moves para maging ka-level ni Josh. At si Emilio, wish makatrabaho si Vice Ganda this 2026!
Napuno ng magagandang ngiti at bituin ang "Laro Laro Pick" game arena sa "It's Showtime" January 1 episode. All-star ang lineup ng players featuring the brightest rising Star Magic and Sparkle artists.
Kabilang sa mga Star Magic players sina ex-"PBB Collab 2.0" housemates Eliza Borromeo, Marco Masa, Reich Alim, Waynona Collings, Lee Victor at Iñigo Jose. Join din sa game arena sina Shanaia Gomez, Kanata Tapia, Marc Santiago, Gello Marquez, at Chunsa Jung. Mula naman sa "It's Showtime family, sina Darren Espanto, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz ang naglaro.
Hindi maitago ni Eliza ang kilig nang banggitin ni Jhong ang pangalan ng "It's Showtime" host na crush ng dalaga, walang iba kundi si Mr. Suave himself, Vhong Navarro. Si Marco naman, ibinahagi ang biggest takeaway from his "PBB" stint na babaunin niya this 2026 at sa mga susunod pang taon. Nag-share rin sina Waynona at Lee ng kanilang new Year's resolutions at dream roles at dream co-stars. Basta si Lee, ang pangarap na leading lady ay 'yung housemate na may letter 'C.' Dahil "PBB" alumni ang karamihan sa mga bisita, 'nagparamdam' si Kuya at kinausap sina Marco at Lee, pati na si Kim Chiu!
Start the year with a bang! Si Ryan ang sinuwerte sa PILImination round at umabante sa final game. Kalahati ng halagang mapapanalunan ng lucky player sa jackpot round ay mapupunta sa kanya, at ang kalahati naman ay ido-donate sa Sagip Kapamilya.
Kung noong 2025 ay palagi niyang iniiwasan ang POT, ngayong 2026 ay ilalaban daw niya ito kahit anong mangyari. At kung sakaling hindi niya masasagot nang tama ang POT question, magdo-donate siya ng P25,000 sa Sagip Kapamilya.
Bigo si Ryan na masagot ang tanong tungkol sa regalong ibinigay ng Tatlong Haring Mago sa sanggol na Hesus. Pero siguradong tutuparin niya ang pangako.
Times two ang swerte ngayong 2026! Ang mga duos na mang-aawit, sa isa't isa kumapit upang ma-achieve ang goal sa "TNT Duets" 2.
MagCOUSINlakas ang kapangyarihan ng mga boses nina Mark Justo at JR Oclarit, na na-discover ang connection nila as cousins dahil sa Tawag Ng Tanghalan. "Sana Maulit Muli," hugot nila sa entablado, na pasado pa rin kina hurados JM Yosures, Bituin Escalante at Jonathan Manalo bagama't nabilangan sila nang dalawang beses. Paliwanag ni hurado Jonathan, may mga shaky parts pero genuine ang feelings na dala ng performance.
Bagay sa malamig na simoy na hangin ang husky vocals nina Aihna Imperial at Roque Belino, na kinanta ang "Beautiful Things." But unfortunately, hindi beautiful ang kanilang ending dahil sa pagkaka-gong. Paliwanag ni hurado Bituin, walang maipipintas sa mga boses nina Aihna at Roque, pareho silang magagaling at may magagandang tinig, pero masyadong malakas ang background kaya "nakakabingi" ang pagha-harmonize. Gayunpaman, in-encourage nila ang duo na ipagpatuloy pa rin ang pag-awit.
Dahil sa turn of events, sina JR at Marc na automatically ang daily winner duo.
#ItsShowtime
#ItsShowimeNa
#ShowtimeHappyNewYear
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: