FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine . JAN 29, 2026. 6 a.m
Автор: Catholic Mass Today Live (CMTL)
Загружено: 2026-01-29
Просмотров: 8882
Описание:
Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins
HEALING MASS (I) January 29, 2026
HUWEBES ng IKATLONG Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
IKA-29 ng Enero 2026 || Healing Thursday Mass
BANAL NA MISA
UNANG PAGBASA
2 Samuel 7, 18-19. 24-29
Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel
Matapos magsalita si Natan kay David, pumasok sa tolda ang hari, umupo at nanalangin. Sinabi niya, “Sino ako, Panginoon, at ano ang aking sambahayan upang ipagmalasakit nang ganito? Maaaring maliit na bagay lamang ito sa inyong paningin, subalit napakalaki para sa amin sapagkat tiniyak na ninyo ang magandang kalagayan ng sambahayan ko sa hinaharap. Panginoon, itinatag ninyo ang bansang Israel upang maging inyo magpakailanman at kayo nama’y maging Diyos nila. Ngayon, gawin ninyo ang inyong pangako sa inyong alipin at sa kanyang sambahayan. Magiging bantog kayo sa lahat ng bansa at sasabihin nila: ‘Ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ay Diyos ng Israel.’ Sa gayun, magiging matatag sa harapan ninyo ang tahanan ni David na inyong lingkod. Panginoon, Makapangyarihang Diyos ng Israel, nagkaroon ako ng lakas ng loob na dumalangin ng ganito pagkat kayo na rin ang nagsabi sa iyong lingkod na paghahariin mo sa Israel ang aking angkan. Panginoon, aming Diyos, kayo’y tapat at tumutupad sa mga pangako ninyo sa akin. Ngayo’y pagpalain ninyo ang tahanan ng inyong lingkod upang ito’y magpatuloy. Panginoon, Panginoon naming Diyos, ikaw rin ang nangako nito kaya manatili nawa sa aking angkan ang iyong pagpapala.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 131, 1-2. 3-5. 11. 12. 13-14
Trono ni David ay laan
sa Manunubos ng tanan.
Huwag kalilimutang
gunitain, Poon, ang lingkod mong David;
huwag mong lilimutin
ang kanyang ginawang pagpapakasakit.
Alalahanin mo
ang kanyang pangakong ginawa sa iyo,
O Dakilang Diyos
ng bansang Israel, wika n’ya’y ganito:
Trono ni David ay laan
sa Manunubos ng tanan.
“Di ako uuwi,
nanananto ako na hindi hihimlay,
hangga’t ang Poon
ay wala pang lugar na matitirhan,
isang templong laan
sa Diyos ni Jacob na Makapangyarihan.”
Trono ni David ay laan
sa Manunubos ng tanan.
Ang iyong pangako,
sa lingkod mong David, huwag mong babawiin,
ganito ang iyong pangakong habilin:
“Isa sa anak mo
ang gagawing hari upang mamahala,
matapos na ika’y pumanaw sa lupa.
Trono ni David ay laan
sa Manunubos ng tanan.
Kung maging tapat
ang mga anak mo sa bigay kong tipan,
at ang mga utos ko ay igagalang,
ang mga anak mo’y
pawang maghaharing walang katapusan.”
Trono ni David ay laan
sa Manunubos ng tanan.
Pinili ng Poon
na maging tahanan ang Lungsod ng Sion,
Ito ang wika niya:
“Doon ako titira panghabang-panahon,
ang paghahari ko’y magmumula roon.”
Trono ni David ay laan
sa Manunubos ng tanan.
ALELUYA
Salmo 118, 105
Aleluya! Aleluya!
Ang salita mo’y liwanag,
tanglaw sa aking paglakad,
sa paghakbang sa ‘yong landas.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 4, 21-25
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Sinisindihan ba ang ilawan para itago sa ilalim ng takalan, o kaya’y sa ilalim ng higaan? Hindi ba upang ilagay sa talagang patungan? Walang natatago na di malalantad at lihim na di mabubunyag. Ang may pandinig ay makinig.”
At idinugtong pa niya, “Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig. Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo ng Diyos at higit pa. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
#onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass
Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: