Pagsalubong ng Bagong Taon sa buong Western Visayas, naging maayos at mapayapa
Автор: Bombo Radyo Roxas
Загружено: 2026-01-02
Просмотров: 5
Описание:
Naging maayos at mapayapa ang pagsalubong ng Bagong Taon sa buong Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Lailyn Sencil, tagapagsalita ng Police Regional Office 6, sinabi niyang umabot sa 2,215 na mga tauhan ng kanilang tanggapan ang na-deploy sa buong rehiyon simula Disyembre 16 ng nakaraang taon.
Ayon kay Police Major Sencil, may kabuuang 18,387 iligal na paputok ang nakumpiska, mas mababa kumpara noong nakaraang taong 2024.
Samantala, sa mga kaso ng firecracker-related injuries, naitala ang kabuuang 63 kaso kung saan 13 ang sanhi ng improvised boga at ang natitira ay mula sa iba’t ibang uri ng paputok.
Mayroon ding naitalang tatlong kaso ng indiscriminate firing, partikular sa lalawigan ng Iloilo.
Dagdag pa niya, walang naitalang malalaking kaso ng kriminalidad dahil sa mahigpit na pagbabantay ng seguridad ng mga kapulisan.
Nagpasalamat din ang opisyal sa kooperasyon ng publiko sa pagtulong sa kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paligid.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: