DPWH, pinabibilis ang konstruksyon ng PBBM legacy hospital projects
Автор: Boy Gonzales Vlog
Загружено: 2026-01-13
Просмотров: 55
Описание:
Pinamamadali ng pamahalaan ang konstruksyon ng mga bagong gusali sa mga pangunahing pampublikong ospital sa Metro Manila bilang bahagi ng PBBM legacy hospital projects.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang sa mga minamadaling proyekto ang mga bagong pasilidad ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Philippine Cancer Center (PCC), Philippine General Hospital (PGH), at National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH na tiyakin ang kalidad ng mga gusali upang agad na magamit ng mga pasyente ang mga pasilidad sa oras na matapos ang konstruksyon.
Sinabi ni Public Works Secretary Vince Dizon na inaasahang mabubuksan sa Hunyo ang walong palapag na bagong gusali ng PCMC, habang target namang matapos sa susunod na taon ang kauna-unahang 20-palapag na Philippine Cancer Center.
Dagdag ng DPWH, personal na tiniyak ng Pangulo ang sapat na pondo upang mapabilis ang konstruksyon ng karagdagang gusali sa mga pangunahing government-run hospitals sa Metro Manila.
Target ng pamahalaan na makumpleto ang mga gusali ng PCC, PGH, at NKTI bago ang 2028.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: