HESUS TANGING HILING - Inspirational album of April Boy Regino
Автор: April Boy Regino Official
Загружено: 2021-03-21
Просмотров: 115121
Описание:
Mensahe ni April Boy sa Hesus Tanging Hiling Inspirational Album :
Ang lahat ng nagaganap sa buhay ng tao ay may dahilan. Katagang lubos kong pinapaniwalaan dahil na rin sa sariling karanasan. Naranasan ko ang sobrang pisikal na panghihina dahil sa mga mabigat na karamdaman at ang panglalamig ng espirituwal kong relasyon sa Diyos. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ko ng mabigat na karamdaman ay dahilan para ako ay tapikin ng ating Panginoon Hesukristo. Tapik na naging daan sa ang "Tanging Hiling" ko sa Panginoong Hesus na makapagpatuloy sa buhay na ito na siya ay muling paglingkuran.
Purihin ang Diyos! Lubus-lubos ang aking pasasalamat sa ating Panginoon sa muling pagkakaloob sa akin ng lakas at sigla. Bilang Pasasalamat ay nais kong maging kasangkapan Niya upang Ibahagi sa sanglibutan ang pag ibig at pagliligtas ng Diyos sa akin sa pamamagitan ni Hesus. Ayon sa Mateo 11:28... " Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin at kayo'y bibigyan kong kapahingahan . "Tunay na ito ay aking naranasan. Kaya bilang handog sa pagtugon Niya ng aking "Tanging Hiling" na muling mabuhay pa at muling manumbalik ang siglang espirituwal kong pamumuhay ay nalikha ang album na ito. Na sa pamamagitan ng paglikha ng mga awitin para sa Panginoong Hesus ay maipalaganap ko ang Kanyang salita.
Muli ang aking pasasalamat sa ating Panginoon. Ganoon din sa aking pamilya at mga kaibigan na nagmamahal sa akin sa pamamagitan ng araw araw na panalangin para malagpasan ko ang mga dumarating na pagsubok sa aking buhay. Sinasaad sa Pahayag 3:20.. "Nakatayo Ako sa labas ng pintuan at kumakatok. Kung diringgin ninuman ang Aking tinig at bubuksan ang pinto, Ako'y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain. "Kaibigan ano man ang tugon mo sa "Tanging Hiling" ni Hesus upang Siya ay gawin mong tagapagligtas. Alinlangan sa isipan ay iwaksi. Lumapit sa Diyos na may tunay na pananampalataya at iyong matatagpuan ang mga kasagutan sa iyong "Tanging Hiling" sa mga panalangin.
Purihin ang Dakilang Diyos ! Amen !
April Boy Regino
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: