Zell am Zee - Kaprun || DAY 3 || Skiing
Автор: Pixiella Vlog
Загружено: 2022-03-02
Просмотров: 1006
Описание:
Hi Friendships, share ko lang sa inyo yung first Ski vacation namin after sa mahabang lockdown.
Last ski vacation namin is Jan 2020 then after 2 years nakabalik ulit mag ski.
WARNING LONG POST❗
JANUARY 2022
OUR YINGYANG KIND OF SKI VACATION 😊
So ayun na nga naka empake na kami at ready to go na sa bakasyon kaya lang nasira yung sasakyan namin at andun pa sa pagawaan kaya need namin mag taxi papunta sa meeting place kung saan kami pi pick apin ng SKI BUS papuntang #zellamsee Austria, at another problem is yung ski jacket ni Ella andun sa kotse namin 😬, buti na lang medu kasya sa kanya yung isang ski jacket ko kaya yang soot niya sa pag skiing, sa akin yan. 🤗
Nung nakarating na kami sa meeting place wala pa ang bus kasi medu napaaga kami ng dating,at biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at napalakas na hangin so yun nga para kaming basang sisiw, buti yung mga maleta namin di masyadong nabasa kaya nakapagbihis pa kami bago sumakay sa bus.
Pagdating namin sa Austria at mag park na sana kami sa gilid ng hotel namin, sos nabangga ng driver yung gilid ng balcon ng hotel, nabasag yung glass sa upper part ng bus, double deck kasi bus.
The best part is kahit medu minalas kami eh super ganda naman ng panahon doon kaya naka pag ski kami ng bonggang bongga at super enjoy kami kaya nakalimutan na namin yung stress namin😊🤗.
Eh di eto nga pauwi na kami sa Belgium kasi tapos na ski vacation, naku biglang bumigay yung glass sa upper part kasi di basta basta maaayos yung kasi need ng malupitang mga parapirnalyas, kaya dinikitan muna nila ng tape for the meantime, kaya medu binagalan na lang ng driver ang takbo, medyo late kami nakarating sa Belgium, pero ok lang atleast safe kaming nakauwi lahat. Thanks manong tsuper!.
Nakarating na kami sa drop off parking kaya nagsibabaan na yung ibang pasahero including us, at good news nagawa na auto namin, kaya no need taxi na,sinundo kami. Nung nakarating na kami sa bahay nadiskubre namin na kulang pala ng isang maleta. Di pala na check (first time di nag check) ng asawa ko yung maleta before kami umalis sa parking kung saan kami binaba ng ski bus.
Bumalik kami at nag drive ng 45 minutes papunta sa parking area para tignan if andun pa ba maleta namin, inikot na namin yung whole parking area ng 3 times,walang maleta! Kaya nag decide na lang kaming umuwi, on the way home may tumawag sa cp ng asawa ko at guess what??? yung bagahe pala namin naiwan sa ski bus di pala naisama sa pagbaba. Kaya nag drive na naman kami ng another 45 minutes para pick apin yung maleta sa main office nila. Sa wakas naka rest din sa mahabang biyahe. 😄
ALL'S WELL THAT ENDS WELL. 😘😊
thanks for reading.
Groetjes,
Elsie 😘
#zellamsee #zellamseekaprun #skiing #skivacation #cold #winter #ski #pixiellavlog #yinyang #allwell #behappy #bepositive
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: