PAANO MAGSIMULA NG PUGUAN (1000 HEADS) - full video guide
Автор: WORK FROM FARM PH
Загружено: 2024-11-08
Просмотров: 3786
Описание:
Paano Magsimula ng Puguan (1000 Heads) | Kumpletong Gabay (40 Minutes)
Welcome back sa Work from Farm PH! Ang gabay na ito ay para sa mga gustong magsimula ng sariling backyard quail farm. Sa loob ng 40 minutong video na ito, ituturo namin ang mga natitunan namin sa pagpapagawa ng aming quail farm!
👉 Bakit Quail Farming?
Ang pagpupugo ay isang abot-kayang paraan para makapagsimula sa agribusiness, at may potensyal na kita! Pero mahalaga na kilalanin muna ang industriya—mula sa mga hamon sa sektor ng pugo hanggang sa demand ng merkado at competition.
👉 Paggawa ng Tamang Quail House
Mahalaga ang tamang setup ng puguan para sa matagumpay na simula. Ang semi-commercial puguan namin ay may kapasidad para sa 8000hanggang 10000 heads, at ibabahagi namin ang tips sa pag-design ng ligtas at produktibong puguan.
👉 Pag-market ng Pugo
Iwasan ang karaniwang pagkakamali sa pagbebenta! Dapat direkta kang maghanap ng suking tindahan, kwek-kwekan, o karinderya kaysa umasa sa middleman. Alamin din kung paano harapin ang seasonal na pagbaba ng presyo ng itlog.
👉 Pag-maintain ng Mataas na Egg Production
Para magtagumpay sa pagpupugo, kailangang mataas ang porsyento ng mga nangingitlog araw-araw. Ipinapakita namin kung paano maabot ang 70 to 80% o higit pa sa egg production, kabilang na ang tamang pag-aalaga, pagpapakain, at temperature control.
👉 Pag-intindi sa Ugali at Pangangalaga sa Pugo
Ang mga pugo ay sensitibo sa ingay at temperatura, kaya mahalaga ang tamang pangangalaga para maiwasan ang stress para maging aganda ang produksyon ng itlog. Alamin kung paano ang tamang pag-aalaga, pag-track ng egg production, at iba pang tips.
👉 Wais na Puhunan at Pamamahala ng Gastos
Ang pagpupugo ng 1000 heads ay nangangailangan ng tamang budgeting at tamang suppliers ng feeds. Ituturo namin ang mga praktikal na tips sa pamamahala ng cash flow!
Ang gabay na ito ay puno ng mahalagang kaalaman at praktikal na payo para sa mga seryoso sa pagsisimula ng negosyo sa quail farming. Kung handa ka nang matuto, panoorin ang buong video at simulang magtagumpay sa pagpupugo!
Panoorin na at simulan ang pagbuo ng inyong quail farming business! #workfromfarmph
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: