ycliper

Популярное

Музыка Кино и Анимация Автомобили Животные Спорт Путешествия Игры Юмор

Интересные видео

2025 Сериалы Трейлеры Новости Как сделать Видеоуроки Diy своими руками

Топ запросов

смотреть а4 schoolboy runaway турецкий сериал смотреть мультфильмы эдисон
Скачать

Paano Sinusubok Ng Diyos Ang Ating Pananampalataya

Автор: WOTG - Word On The Go

Загружено: 2024-01-21

Просмотров: 59438

Описание: Kaibigan gusto mo bang ma-please ang Diyos sa iyong buhay? Maaring tinatanong mo. Ano ba yung mga bagay na pwede kong gawin para malugod ang Diyos sa buhay ko? Alam mo kaibigan ang sagot dito ay pananampalataya. Sabi sa

Hebreo 11:6 MBB 6 Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa kanya,..."

Maaaring ikaw ay magulang at alam mo yung pakiramdam na nalulugod ka sa iyong anak dahil nagtitiwala siya sayo. Alam mo iyan ay parehas din sa Diyos. Ang Diyos ang ating tatay sa langit, natutuwa Siya sa atin kapag nagtitiwala tayo sa Kanya. Kaya nga sabi sa Bible hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang pananampalataya sa Kanya.

Maaaring ginagawa mo ang isang bagay bilang pagsunod sa Diyos pero hindi ito makakalugod sa Kanya kung hindi mo ito ginagawa dahil sa iyong pagtitiwala sa Kanya.

Naalala ko ang isa kong anak ay tinuturuan naming magnegosyo. Sinama namin sa supplier. Tinuruang magcommute. Maggawa ng facebook page at iba pa. Ang goal ay matutunan niya ang discipline, hard work, responsibility at matuto makipag socialize. Now maaaring sumusunod siya kasi inutos naming mga magulang sa kanya pero kung ginagawa niya ito dahil lang sa natatakot siya o napipilitan at hindi dahil sa nagtitiwala siya sa kanyang magulang na para sa ikakabuti niya ang aming pinapagawa sa kanya ay hindi ito makakaplease sa amin. Ang makakapagbigay lugod sa amin ay yung ginagawa niya ang isang bagay dahil nagtitiwala sya na mabuti ang purpose namin para sa kanya.

Ganon din naman sa Diyos gusto Niyang isabuhay natin ang pananamapalataya sa Kanya sa lahat ng ating ginagawa.

Kaya nga sabi Niya sa

Roma 14:23 Ang Biblia, 2001
"at ang anumang hindi batay sa pananampalataya ay kasalanan.

Wow ayon sa talata ay kahit anong gagawin natin na hindi nag-uugat sa pananampalataya sa Diyos ay kasalanan. Bakit? Kasi pag hindi ka sa kanya nagtitiwala ay automatic sa iyung sarili ka nagtitiwala o sa tao o sa mga bagay na temporal. At ang tawag dito ay kasalanan.

Kaya nga kailangan nating palaguin yung ating pananampalataya kung gusto nating malugod ang Diyos sa atin. Kaya lang ang tanong ay paano? Kasi hindi naman pwedeng iinom ka lang ng vitamin ay boom lalakas na ang iyung pananamapalataya.

Hindi ganon, ang paraan ng Diyos para palakasin ang ating pananamapalataya ay testing o pagsubok. Kaya ito yung pag-uusapan natin paano ba tetestingin o susubukin ng Diyos ang ating pananampalataya. Kasi gusto Niya itong palakasin at palaguin na parang muscle. Hindi ito made-develop kung hindi niya ito susubukin kaya kung bago ka sa channel na ito ay tapusin mo yung mensahe kasi kapag naunawaan mo ang mga pag-uusapan natin at naging tama ang response mo sa mga testings ay siguradong malulugod ang Diyos sa iyo at magkakaroon ka ng isang matatag na pananampalataya sa Diyos.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Scipt: https://bit.ly/SCRIPT-PaanoSinusubokN...
Life Application and Missional Guide (LAMG): https://bit.ly/LAMG-PaanoSinusubokNgD...

BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero

#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF

Не удается загрузить Youtube-плеер. Проверьте блокировку Youtube в вашей сети.
Повторяем попытку...
Paano Sinusubok Ng Diyos Ang Ating Pananampalataya

Поделиться в:

Доступные форматы для скачивания:

Скачать видео

  • Информация по загрузке:

Скачать аудио

Похожие видео

Paano magkakaron ng kapayapaan sa mga bagay na hindi mababago

Paano magkakaron ng kapayapaan sa mga bagay na hindi mababago

Bakit Hindi Ka Masaya Kahit Christian Ka?

Bakit Hindi Ka Masaya Kahit Christian Ka?

10 signs na sinusubok ka ng Diyos

10 signs na sinusubok ka ng Diyos

Bakit mahalaga ang Praying Life?

Bakit mahalaga ang Praying Life?

Paano Magtatagumpay sa Ating Plano o Goals

Paano Magtatagumpay sa Ating Plano o Goals

Paano mo ba malalaman kung pinatawad ka na ng Dios? | ANG DATING DAAN BIBLE EXPOSITION.

Paano mo ba malalaman kung pinatawad ka na ng Dios? | ANG DATING DAAN BIBLE EXPOSITION.

Kailangan Mong Gawin Ito Agad Kapag Tinawag Ka Ng Diyos

Kailangan Mong Gawin Ito Agad Kapag Tinawag Ka Ng Diyos

8 Salitang Minamahal ng Banal na Espiritu—at Paano Ka Mas Inilalapit ng mga Ito sa Diyos

8 Salitang Minamahal ng Banal na Espiritu—at Paano Ka Mas Inilalapit ng mga Ito sa Diyos

LUKEWARM? Paano tatakas mula sa Maligamgam na Kristyanismo

LUKEWARM? Paano tatakas mula sa Maligamgam na Kristyanismo

Ang Nag-aalalang Puso Part 4 (The Anxious Heart)

Ang Nag-aalalang Puso Part 4 (The Anxious Heart)

God is In Control: Pawiin ang Takot At Pagaalala

God is In Control: Pawiin ang Takot At Pagaalala

Paano Kung Alisin ng DIyos ang Lahat? Part 3

Paano Kung Alisin ng DIyos ang Lahat? Part 3

7 Senyales na Sinusubok ng Diyos ang IYONG PANANAMPALATAYA

7 Senyales na Sinusubok ng Diyos ang IYONG PANANAMPALATAYA

3 Paraan Upang Ikaw Ay Magbunga ng Marami sa Panginoon.

3 Paraan Upang Ikaw Ay Magbunga ng Marami sa Panginoon.

ANG MALAKING PAGKAKAIBA NG MGA TAONG NAGLILINGKOD SA DIYOS AT HINDI | PASTOR RON YEPES

ANG MALAKING PAGKAKAIBA NG MGA TAONG NAGLILINGKOD SA DIYOS AT HINDI | PASTOR RON YEPES

8 Gawi na DAPAT Mong Bitawan sa Pagtanda: Kung Ikaw ay Higit 60, Hindi Ito Ipinagkaloob ng Diyos

8 Gawi na DAPAT Mong Bitawan sa Pagtanda: Kung Ikaw ay Higit 60, Hindi Ito Ipinagkaloob ng Diyos

Paano makakabangon sa kabiguan sa tulong ng Diyos

Paano makakabangon sa kabiguan sa tulong ng Diyos

Tuklasin ang 9 na Palatandaan na Ipinapakita na Nasa Iyo ang Banal na Espiritu –Karunungang Biblikal

Tuklasin ang 9 na Palatandaan na Ipinapakita na Nasa Iyo ang Banal na Espiritu –Karunungang Biblikal

🙏 Nakikita ng Diyos ang Iyong Puso, Hindi ang Tindig Mo

🙏 Nakikita ng Diyos ang Iyong Puso, Hindi ang Tindig Mo

🙏 Kung Naniniwala Ka sa Diyos, Binabantayan Ka ng mga Anghel Makapangyarihang Mensahe

🙏 Kung Naniniwala Ka sa Diyos, Binabantayan Ka ng mga Anghel Makapangyarihang Mensahe

© 2025 ycliper. Все права защищены.



  • Контакты
  • О нас
  • Политика конфиденциальности



Контакты для правообладателей: [email protected]