Shuvee, nagbabalik 'It’s Showtime' with ex-PBB Collab housemates | It's Showtime | December 22, 2025
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2025-12-29
Просмотров: 384
Описание:
Jingle bells! Huhubels! Hatid ni Asia's Romantic Balladeer, Christian Bautista, ang ultimate Christmas hugot harana, siging "Nakaraang Pasko" sa "It's Showtime" studio. Kasinlamig nga ng simoy ng hangin ang boses ng ating bisita, mapapahanap ka ng kayakap para ma-feel na hindi ka nag-iisa.
Star-studded ang "Laro Laro Pick" game arena sa pagdating ng cast ng Metro Manila Film Festival 2025 entry "Call Me Mother" na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre. Nakilaro sina John "Sweet" Lapus, Robert Ortega, MC Muah at ex-"PBB Collab" housemates Brent Manalo, Mika Salamanca, Esnyr, River Joseph, Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.
Dahil 'mothering' ang usapan, naimbitahan din sa game arena ang mga magigiting na madlang mothers na nagbibigay ng 'di masusukat na pagmamahal sa kanilang adopted children. Inalam ng hosts ang kuwento ni Anna, na may dalawang adopted kids. Kung pagmamahal ang naibibigay niya sa mga anak, "lakas" naman bilang ina at babae ang nakukuha niya pabalik.
Ganoon din si Lus, na kinupkop ang kambal na anak mula sa kanilang pagsilang. At kahit hanggang sa paglaki ng mga bata ay si Lus pa rin ang kanilang pinili dahil ito ang tahanan ng kanilang puso, na nagparamdam sa kanila ng tunay na kalinga ng isang ina.
Ilang "It's Showtime" hosts din ang naki-join sa masasayang games. At sa dulo, si Ion Perez ang sinuwerteng umabante sa jackpot round, representing Nanay Annalyn, ang 'madlang mother' na nabunot. Pagkatapos ng thrilling na tawaran, pinakinggan ni Ion ang gusto ni Annalyn na piliin ang P100k POT. Nagtagumpay nga si Ion na masagot ng POT question, kaya ang P100,000 ay kay Nanay Annalyn mapupunta.
Tara’t mangaroling! Ready, sing! Ang sanhi po ng pagparito ay makamit ang golden mikropono at magkaroon ng aguinaldo mula sa mga hurado. Narito ang tapatan ng dalawang duos sa "TNT Duets 2."
Times two ang vocal prowess na pinasiklab nina Pia Caduyac at Heaven Blanco a.k.a. Otso Divas, who belted out "Ain't Nobody" originally by Chaka Khan and Rufus. Hindi naman daw 'chaka' ang performance nila, sabi nina hurados JM Yosures, Louie Ocampo, at Jonathan Manalo, pero may ilan silang 'bad news.'
Ready to slay the TNT entablado, ganap na ganap ang diva-esque energy nina Chinchin Abellanosa at Meleena Santos. Call them 'Soul Titas.' Halos ganoon din ang naging reaksyon ng mga hurados. Sabi nila, very diva ang arrive ng dalawa, pero mas naramdaman nila ang 'lamunan' kaysa mag-complement at mag-harmonize sa duet.
Pero sa dulo, wagi pa rin ang duo nina Pia at Heaven sa score na 93% laban sa 90.7% nina Chinchin at Meleena.
#ItsShowtime
#ShowtimeTwinkleTwinkle
#ABSCBNEntertainment
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: