3 Paraan Kung Paano Magmahal ng Gaya sa Panginoong Hesus kahit Mahirap
Автор: WOTG - Word On The Go
Загружено: 2023-03-19
Просмотров: 40670
Описание:
Marahil natatanong mo paano ba magmahal ng tunay sa ibang tao? Madali magmahal sa mga taong nagmamahal din sayo pero sa mga taong nakakasakit sayo ay ang hirap. Mahirap mahalin yung mga taong palagi nalang nagki-critisize sayo. Tama ba? Mahirap mahalin ang taong puro nalang reklamo tapos wala namang binibigay na solusyon. Mahirap mahalin ang taong judgemental at iba pa. Kaya lang alam mo ang katotohanan ay tayo din naman pag inisip mo mabuti tayo ay hindi din karapatdapat mahalin ng Diyos pero minahal Niya pa din tayo. Kaya nga kung gusto nating matuto ng mas mataas na uri ng pagmamahal sa mga taong hindi naman karapatdapat mahalin ay gawin nating modelo ang Panginoong Hesus.
Marahil pag tinanong ka kung
ano ang pangalawang pinakadakilang utos ng Diyos. Ay sasabihin mo ay mahalin mo ang iyung kapwa gaya ng iyung pagmamahal sa sarili. Alam mo halos tama ka na.
Kasi Sabi sa Mateo 22:37-39 MBB05 tungkol sa pinakadakila sa mga kautusan. Sabi dito
“Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.” “Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
Mateo 22:38-39 MBB05
Narealized ko Ang utos na ito ay nakabase sa Leviticus 19 na kautusan sa panahon ni Moses. Napakaganda nito in fact ito ay isang golden rule. Kung paano mo minamahal ang sarili ay ganon ka din magmamahal sa iba. Gagawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sayo. Kaya lang ang problema minsan meron kang struggle na magustuhan mo ang iyung sarili o mahalin mo ang iyung sarili. Minsan may naririnig ako nagsasabi ayoko nga sa sarili ko. Bakit ba ako pinanganak ng ganito. Galit ako sa sarili ko hindi ko sya mapatawad. Ayoko sa sarili ko, hindi ko gusto ang itsura ko. At dahil dito alam mo mahihirapan ka magmahal din ng iba gaya ng pagmamahal mo sa sarili. Kasi kung ikaw ayaw mo sa sarili mo. So paano ka matututong magmahal din sa iba. Kaya nga ang tanong ay paano ba tayo matututo na magmahal ng tunay? Ito ang sagot sa atin ng Panginoong Hesus
Sabi sa Juan 13:34 ASND
“Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.”
Narealized ko na merong bagong utos at mas mataas ang standard nitopagdating sa paraan ng pagmamahal. Bakit? Kasi ang standard ng gagayahing paraan ng pagmamahal ay hindi pagmamahal sa sarili kung hindi ang gagayahin ay kung paano magmahal ang Panginoong Hesus sa atin.
Kaya nga ito ang paguusapan natin ngayun kung paano ba magmahal ang Panginoong Hesus at paano natin ito maiaapply sa praktikal na paraan. Tapusin mo ang mensahe na ito kasi kung matututunan mo ito at maiapapply mo sa iyung buhay ay malalaman ng mga tao na ikaw ay totoong tagasunod ng Panginoong Hesus at ang buhay mo ay magkakaron ng pagbabago na magbibigay ng kaluguran sa Diyos na nagmamahal sayo.
Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Scrip: https://bit.ly/SCRIPT-3ParaanKungPaan...
Life Application Guide: https://bit.ly/LAG-3ParaanKungPaanoMa...
BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY
Beseeched - Asher Fulero
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: