ADJUSTING ENTRIES FOR BAD DEBTS TUTORIAL (Explained in Taglish by Sir RDS)
Автор: ABM Online PH
Загружено: 2020-10-26
Просмотров: 33937
Описание:
STEP 4.2 ADJUSTING ENTRIES: ADJUSTING ENTRIES FOR 𝗕𝗔𝗗 𝗗𝗘𝗕𝗧𝗦 (Explained in Taglish by Sir RDS)
Naranasan mo na ba mautangan? Binayaran ka na ba? Haha isa ka rin ba sa nagpopost ng mga parinig sa Facebook sa mga hindi nagbabayad ng utang? Haha Ang utang at pagpapautang ay normal. Walang negosyong walang utang o hindi nangutang sa tana ng buhay at existence nila. Kailangan ito sa maraming kadahilanan, halimbawa, may expansion opportunity pero walang sapat na pondo, o may pagkakataong hindi sapat ang cash ng company o may investment opportunity. On the other hand, maari rin namang tayo ang nagpapautang, halimbawa tayo ay manufacturing company at supplier ng raw materials, may mga customers tayo na hindi nakakabayad agad, meron ding after natin maperform ang service ay hindi nila agad nababayaran. May ilan na nagbabayad naman din at mayroon na ilang araw ang lumilipas bago makabayad. Kapag nangungutang sa atin ang customer, inirerecord natin ito sa accounts receivable na account. So Sir ano po iaadjust natin? Iaadjust natin ang amount ng accounts receivable dahil maswerte ka kung buo mong makolekta ang pautang mo pero madalas sa madalas ay hindi hahha kaya kailangan natin i-reflect ang inaasahan nating matatanggap na lang.
Parang kapag nagpautang ka di ba? May mga pautang ka na ipinauubaya mo na lang sa langit kung magbabayad o hindi kaya hindi ka na masyado umaasa pa kung babayaran ka at hindi mo na ito naisasama sa pakwenta sa pagbubudget.
Doubtful Accounts, Bad Debts, Uncollectible Accounts, ang mga term na yan ang kadalasang ginagamit pero parehas lang naman ang kahulugan. Para sa discussion na ito bad debts ang gagamitin nating term para mas dama kung gaano kasama ang hindi pagbabayad ng utang bwahahahhahha
May tatlong paraan kung paano i-compute ang bad debts. (1) Percentage of Accounts Receivable, (2) Percentage of Sales, at (3) Aging of Receivables. Oh di ba pati utang tumatanda. Haha pero dahil SHS ka pa lang mag focus lang tayo sa number 1. Yung dalawa eh bahala na ang college professor mo magpaliwanag okiiiee??
JOURNAL ENTRY
Bad Debts Expense xxxx
Allowance for Bad Debts xxxx
Isa ito sa may pinakamadaling journal entry na madaling tandaan kasi iyan na yun, magbabago lang sa amount. Nag debit tayo ng Bad Debts Expense kasi kino-consider natin na gastos na yung utang na posibleng hindi mabayaran. At nag credit naman tayo ng Allowance for Bad Debts kasi hinndi nnatin directly ibabawas sa Accounts Receivable yung bad debts, ini-rerecord muna natin sya sa contra-asset account na iyan. (para siyang accumulated depreciation yung sense nya)
PROBLEM:
1. ABM Company made a credit sale of P1,100,000 in 2019 and prior experience indicates an expected 1% average uncollectible accounts rate based on credit sales. Prepare the adjusting entry for the period ended.
Bad Debts Expense P11,000
Allowance for Bad Debts P11,000
Sabi sa problem, nung 2019 meron tayong pautang na P1,100,000 at base sa data at karanasan, 1% ng utang ay hindi na nababayaran. Kaya para malaman ang halaga ng bad debts ay imumultiply natin ang P1,100,000 na accounts receivable sa 0.01 (converted sa decimal) at ang makukuha nating sagot ay P11,000.
2. ABM Company has an outstanding Accounts Receivable balance of P500,000 and based on history 2% of the receivables are considered uncollectible. Prepare the adjusting entry for the period ended.
Bad Debts Expense. P10,000
Allowance for Bad Debts P10,000
According sa problem may balance na P500,000 ang Accounts Receivable at 2% ayon sa karanasan ng business ay 2% ang hindi na tuluyang nakokolekta. Kaya ang P500,000 ay imumultiply sa 0.02 (converted sa decimal) ang makukuhang sagot ay P10,000.
Ano ba ang mangyayari Sir kapag po hindi nagkaroon ng adjusting entry sa bad debts?
OVERSTATEMENT OF INCOME STATEMENT- Ibig sabihin ang profit na nakadeclare ay sobra, kasi supposedly dapat included ang bad debts expense.
OVERSTATEMENT OF ASSETS- Yung accounts receivable ng business ay hindi naman fully masisingil pa kaya kapag hindi inadjust labis ang compute ng total assets kasi dapat bawasan sya ng allowance for bad debts.
QUIZ: (Ay ma pa-quiz na naman??? HAHA)
1. The outstanding Accounts Receivable of CDE Company is P1,150,000 and based on history 1.5% of its credit accounts are uncollectible. Prepare the adjusting entry for the period ended.
2. FGH Company made a credit sale of P2,156,089 in 2019 and prior experience indicates an expected 0.05% average uncollectible accounts rate based on credit sales. Prepare the adjusting entry for the period ended.
Para sa ABM Discussion please LIKE and BROWSE this FB Page. For ABM Tutorials please SUBSCRIBE to the Official YouTube Channel of ABM Online PH
• ABM SUBJECTS (MAHIRAP BA ANG ACCOUNTING? A...
Maraming Salamat!
Hanggang sa muli!
Goodbye accountants and managers!
Sir RDS
#ABMSeniorHigh #AdjustingEntriesTutorial #Accounting
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: