It’s Showtime December 12, 2025 | Full Episode
Автор: ABS-CBN It's Showtime
Загружено: 2025-12-12
Просмотров: 46569
Описание:
It's 12.12, Madlang People! Nasimulan na ba ang online Christmas shopping? I-add to heart na rin ang good vibes na ide-deliver ng "It's Showtime" family. No shipping fee! At libreng-libre! Kung concert performance naman ang song number ni Khimo, malamang sold-out crowd 'to! Sino ang hindi madadala sa moves niya? "Isayaw mo lang," sabi niya sa kanta!
I-shake off ang negativity for a bigger room for positivity sa nalalapit na pagpapalit ng taon. Nagsisimula na ba kayong maglista ng New Year's Resolution? Pero bago pa man dumating ang Pasko at Bagong Taon, napatalon na sa tuwa ang mga fruit vendors na bumida sa "Laro Laro Pick."
Gayahin natin ang pagiging positibo ni Giging, na napagkamalan pang 'puppet' ni Vice Ganda sa sobrang taas ng energy. Palatawa lang 'yan siya, pero naluha habang ibinabahagi ang kanyang Christmas wish na mabilisang paggaling ng inang na-stroke at asawang may diabetes. Nabutas man ang bulsa dahil sa pagkakasakit ng asawa't ina, hindi siya nawawalan ng pag-asa na tulad ng mga prutas na paninda ay tatamis rin ang buhay nila.
Pagating ng jackpot round, maagang tinapos ni Vice Ganda ang tawaran sa halagang P10,000 dahil hindi na mababago ang desisyon ni player Ems na piliin ang P100,000 Pot question. Hindi nga lang hinog ang swerte ni Ems, na bigong masagot ang tanong tungkol sa Tagalog ng "cotton fruit," kaya P1,000 lang ang naiuwing papremyo. Gayunpaman, hinangaan ng madlang people ang kanyang tapang.
Teka, tulad ng prutas na paninda ni Ems, matamis din ang mga ngiti ni MC. Mukhang 'dumada-moves' doon sa 'gedli.' Sabi ni Vice Ganda, kabisdo niya ang galawan ng mga kaibigan, na para bang dumidiskarte si MC sa binatang anak ni Ems. Kilig ‘yan, Ate MC?
Sa taas ng kanilang 'standards' sa tanghalan, hindi madaling ma-impress ang mga hurado ng "TNT Duets 2." Pero may mga araw rin na ang parehong pares ay swabe ang blending, tulad ng ipinarinig ng duos nina John Ramirez-Shaina Mae Allaga at Christian Tibayan-Arvery Lagoring.
"Swabe" kung ilarawan ni hurado Jonathan Manalo ang duet nina John at Shaina ng "Oksihina" ni Donela. Sa sobrang real ng "feels", napahugot tuloy si Vice Ganda. Eh,
bakit mukhang mas apektado si Darren Espanto? Pati si Jackie Gonzaga ay hindi nakaiwas sa asaran. DaCkie, i-"Maui Wowie" na lang natin 'yan!
Sanib-pwersa naman ang mga tinig nina Christian at Arvery sa pagkanta ng "Paalam Muna Sandali," ang official "PBB Collab 2.0" eviction song na orihinal na inawit ni Darren at isinulat ni hurado Jonathan, na sinabing ito ang best duet version ng “Paalam Muna Sandali” na kanyang narinig.
Mahigpit ang laban, at talagang inabangan ng madlang people sa studio kung sino ang aangat sa entablao. Hanggang sa ianunsyo na parehong nakakuha ng 96% na grado ang dalawang duos.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: