TALUPAD by Police Trainee Veva (Charlie 46)
Автор: Domus fortium
Загружено: 2022-10-07
Просмотров: 5360
Описание:
A spoken word poetry by: PT VEVA
PSBRC CL 2021-01 "Masid-Dayaw"
"TALUPAD"
Talupad, ang sigaw ng pinuno
rinig ang yabag ng takbo, ng bawat isa
isa, dalawa, tatlo, humanay ang lahat
umaga na naman
panibagong araw, panibagong pagsasanay
paulit-ulit na tanong sa sarili
kaya ko pa bang ihakbang patakbo
ang aking mga paa?
tatakbo ako, ngunit bakit ang bigat?
andito na ako
sa puntong pinanghihinaan ng loob
nag dududa sa kakayanan
pinag lalaruan ng mga kaisipang'
"para sa'kin ba talaga ito?"
"o isa lang ako sa mga naligaw ang landas?
pamunuti ng labi
paninikip ng dibdib
pagdidilim ng paningin
hindi maramdamang mga paa
itakbo mo nang isa pa, at isa pa
hanggang sa makuha mo na ang buhay
ay hindi paunahan,
hindi palakasan,
at lalong hindi pagalingan
maliit 'man ang hakbang, mag patuloy ka
dahil nasa proseso ka.
Hindi ko namalayan,
naka balik na pala ako
kaya ko pala
napag tanto ko,
na hindi ang nararamdaman mo
ang magdidikita ng gusto mong mangyari
para sa sarili mo.
Huwag mong pakinggan
ang sinasabi ng iyong katawan
dahil andito ka para gawin ang bagay
na inaakala mong hindi mo kaya.
Hapon, tila kami'y nililiyaban
sa init na nararamdaman
ngunit walang araw na tirik
na tumatarak sa taong mag paparak
hindi mapigilang pag bagsak ng mata
sa kalagitnaan ng pag aaral
ngunit mag susumikap matuto para sa bayan.
Sa pag lipas ng oras
unti unti akong binabalot ng lamig
ramdam ko ang pag yakap ng dilim
at pag silip ng buwan
Mate, malapit na tayong mag pahinga
kumapit ka, dahil hindi mapipigilan ng araw
ang pag sapit ng gabi
marami pang bukas
bukas, para unti unting buksan ang kinabukasan
pumikit ka, mag pahinga
para sa bagong talupad.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: