Mag-ingat! Hinda daw "clean" ang title. 10 annotations na nakadungis ng title.
Автор: Top 10 Everything
Загружено: 2023-07-19
Просмотров: 9981
Описание:
"Clean" ang title kung walang nakasulat sa likuran na mga pahina ng titulo.
Ilan sa mga halimbawa ng annotation sa "memorandum of encumbrances" na nakakadungis sa malinis na title ay:
1) Real Estate Mortgage: Ito ay isang dukomentong nagpapahiwatig na ginawang kolateral ang property sa isang pagkaka-utang.
2) Affidavit of Adverse Claim: ito ay isang sinumpaang salaysay na nagpapahayag ng claim o interes sa property na salungat sa mga karapatan ng rehistradong may-ari.
3) Deed of Transfer tulad ng Sale, Donation, o Extrajudicial Partition: ito ay mga legal na dokumento na naglilipat ng pagmamay-ari ng property sa iba.
4) Road Right of Way: ito ay tanda na mayroong bahagi ng property na nakalaan bilang daanan o kalsada.
5) Bail / Property Bond: ito ay isang seguridad o pagsangla ng property para maipalaya ang isang tao na nakakulong habang naghihintay ng paglilitis o para sa iba pang legal na proseso.
6) Affidavit of Loss of Owner's Duplicate Copy: ito naman ay isang sinumpaang salaysay ng pagkawala ng kopya ng may-ari ng titulo sa property.
7) Special Power of Attorney: isang legal na dokumento na nagbibigay ng espesyal na kapangyarihan sa isang indibidwal upang kumilos sa ngalan ng may-ari ng property.
8) Lease Agreement: Isang kasunduan para sa pag-papaupa ng property.
9) Notice of Lis Pendens: Isang abiso galing sa korte na mayroong kasalukuyang legal na kaso o demanda na may kaugnayan sa pagmamay-ari o titulo ng property.
10) Subdivision Plan: Isang dokumento na nagpapakita kung paano hinati ang property sa mas maliit na mga lote o bahagi.
Kung isa o marami pa nito ang nasa titulo ng lupang ibinibenta sa iyo, ibig sabihin ay hindi "clean" and title.
Maiging pumunta sa Registry of Deeds upang masigurong authentic ang ipinakitang titulo sa iyo ng nagbibenta ng lupa at itoy walang pinagka-iba sa kopya ng titulo na nasa file ng Registry of Deeds.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: