NASAAN NA SI KERWIN ESPINOSA?
Автор: Utol Ford
Загружено: 2024-06-03
Просмотров: 490134
Описание:
Si Rolando Rosal Espinosa, isang pulitiko sa Pilipinas, ay naging mayor o alkalde ng Albuera, Leyte matapos manalo sa eleksyon noong May 2016. Ang kanyang pangunahing adbokasiya sa kampanya ay ang paglaban sa ilegal na droga. Bago niya pinasok ang mundo ng politika, si Rolando ay may-ari ng tatlong bahay at isang hotel sa Albuera. Ang Philippine National Police ay nagpahayag din na ang kanyang anak, si Rolan "Kerwin" Eslabon Espinosa, ay kasangkot sa ilegal na droga. Noong August 1, 2016, hinamon ni dating pangulo Rodrigo Duterte sina Alkalde Rolando Espinosa at ang kanyang anak na si Kerwin na sumuko sa loob ng 24 oras dahil sa kanilang pagkakasangkot sa kalakalan ng droga at pagkakanlong ng mga drug trafficker, na may banta ng aresto at posibleng kapahamakan kung sila ay lalaban. Dahil dito, si Rolando ay kusang sumuko kay dating PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Camp Crame noong Agosto 2 2016. Inamin niya na ang kanyang anak na si Kerwin ay bahagi nga ng kalakalan ng ilegal na droga sa Eastern Visayas at hinikayat niyang sumuko rin ito, lalo pa't mayroon itong umiiral na warrant of arrest. Gayunpaman, itinanggi ni Rolando na pinondohan ng pera mula sa ilegal na droga ang kanyang kampanya sa eleksyon. Pumayag siyang magpa-drug test, na ipinasa niya, at kanyang isinuko ang sarili sa CIDG ngunit nang siya ay arestuhin, wala pang opisyal na warrant of arrest laban sa kaniya.
Notoryus, drug kingpin, at batman ng Cebu at Eastern Visayas. Ang taong ito tol ay isa sa kinilalang sentro ng problema ng bansa pagdating sa kalakalan ng illegal na droga at naging isa sa most wanted na kriminal ng bansa. Ang kanyang koneksyon ay hindi lamang limitado sa kriminal na mundo. Ipinapakita ng mga ulat na mayroon siyang koneksyon sa ilang makapangyarihang personalidad sa Pilipinas, kabilang ang mga politiko, opisyal ng pulisya, at mga personalidad sa media. Napakahalaga ng taong ito sa mga awtoridad upang masiwalat ang namamayagpag na kontrobersiya tungkol sa mga illegal na droga na umiikot sa bansa. Siya ay naging simbolo ng malalim na problema ng droga sa Pilipinas, at ang kanyang mga pahayag ay nagbigay liwanag sa maraming aspeto ng war on drugs at sa mga isyu ng katiwalian sa gobyerno. Rolando Kerwin Espinosa Jr., isinilang at lumaki sa Cebu City, ay mula sa isang prominenteng pamilya dahil anak siya ng dating Alkalde na si Rolando Rosal Espinosa Sr. Si Kerwin ay Nagsimula bilang isang maliit na mangangalakal, o 'small-time seller,' ng droga noong taong 2004 sa Cebu City. Binibili niya ang 4.9 grams na "bato" at pinuputol ito sa 0.7 grams bawat sachet, at ibinibenta ng tig-pitong daang piso bawat sachet. Sa ganitong paraan, naging masigla ang kanyang negosyo, at sa loob lamang ng isang taon, nagawa niyang mapalaki ang kanyang operasyon. Ngunit hindi lahat ng oras ay maganda ang kapalaran ni Kerwin.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: