Eric Martinez, sinabing galing sa angkan ng mayayaman ang tumatakbong partylist representatives
Автор: Philippine STAR
Загружено: 2025-05-06
Просмотров: 676
Описание:
Para kay senatorial candidate at dating Valenzuela District 2 representative Eric Martinez, kailangan ng mas matibay na patakaran mula sa Comelec upang masigurado na nirerepresenta ng isang politikong tumatakbong partylist representative ang marginalized sector.
“Hindi dapat tanggalin ang partylist system pero we have to put in safeguards. Dapat mahigpit ang Comelec sa pag-aaccredit ng mga partylist na pwede sumali sa halalan. Pangalawa, dapat malinaw ang mga pamantayan na itong mga partylist na ito ay marginalized sector talaga ng ating lipunan. In that way, maayos talaga ang tema ng halalan ng partylist,” saad niya sa 2025 Senatorial Interviews ni Boy Abunda.
“Karamihan ng mga partylist ngayon ay mula sa mga angkan ng mga mayayaman at they may represent the marginalized sector by its title pero ang katotohanan ay hindi nila ito nirerepresenta,” dagdag pa ni Martinez.
Повторяем попытку...
Доступные форматы для скачивания:
Скачать видео
-
Информация по загрузке: